Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Trying very hard na ba si Senator Alan Peter Cayetano?

MASYADO na yatang papansin si Senator Alan Peter Cayetano?

Nababawasan na tuloy ang paghanga ko sa mama.

Marami tuloy ang nagtatanong kung nagtatrabaho pa ba siya bilang Senador?

Lagi raw kasing nakikitang nakadikit at nakabuntot siya kay Presidente Digong.

At mukhang siya pa ang pagmumulan ng kagalitan sa administrasyong Duterte dahil sa kanyang paggugumiit na maging Senate President.

Wala namang masama kung talagang siya ang magwawagi pero para hilahin niya ang ‘kamay’ ni Duterte upang makialam sa senate presidency, palagay natin ay unfair naman iyon.

070616 cayetano duterte

Klaro naman ang posisyon ng Pangulo, hindi siya makikialam sa Senado. Kung sino man ang nagnanais na maging senate president, mas magiging maayos kung isusumite nila ang kanilang sarili para lumahok sa isang demokratikong proseso.

Kailangan bang brasuhin ni Pres. Digong ang Senado para sa kapritso ni Cayetano?

Ang alam natin macho kung manindigan si Digong pero mukhang malayo sa kanyang praktis na mambastos ng isang demokratikong proseso.

Kaya unsolicited advice lang kay Senator Alan Peter, mas maigi ‘e magtrabaho ka and prove your worth para ikaw ang iboto ng mga kasamahan mong senador.

Hindi ‘yung lagi kang nakikitang nakadikit at pabulong-bulong kay Digong at ang ekspresyon ng mukha ay tila magmamarkulyo at para bang luluha pa, kapag hindi napagbigyan sa kanyang kagustuhan.

Diskarteng spoiled brat ‘yan, Senator Alan.

Kung gusto mong maging Senate President dapat diskarteng statesman.

Sabi nga, be worth enough for the position that you are longing for.

Simple as that, Senator Alan!

LITO BANAYO NAKASILAT
NA NAMAN SA DUTERTE ADMIN

070616 lito banayo meco

Tahimik pero mukhang matinik talaga.

Ganyan namin gustong ilarawan ang pagpasok ni dating National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo sa Duterte administration.

Sabi nga ni Pangulong Digong, “Lito Banayo…a ‘long time government servant’ who served in different capacities in previous administrations.”

Kung hindi pa ninyo nalalaman mga suki, si Lito Banayo, ang NFA Administrator noong panahon ni GMA ay siya ngayong Managing Director and Resident Representative of the Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Ang MECO ay Philippines’ representative office sa Taiwan, at ang de facto embassy natin sa kawalan ng diplomatic relations.

Mayroon po kasing One-China Policy ang People’s Republic of China kaya kinailangan pang buuin ang MECO para sa mga kababayan nating nagpupunta roon.

Ganyan ka-nek-mati si Banayo. Malamang kung buhay pa ang kanyang tandem na si Nixon Kua, tiyak magkasama pa rin sila ngayon.

Bago siya maging NFA administrator ni GMA, siya ang naging Postmaster General noong panahon ni Pangulong Cory at naging Philippine Tourism Authority administrator under President Joseph Estrada.

At ngayon nga MECO managing director and representative naman.

Ibang klase talaga ang buenas at ‘expertise’ ni Tolits Banayo.

By the way, ano na ba ang nangyari sa mga kontrobersiyang kinasabitan ni Banayo?

Nasagot ba? Lalo na ‘yung sa NFA?

Hindi kaya habulin siya ng mga kontrobersiyang ito sa MECO?!

Tayo naman po ay nagtatanong lang.

REACTION KAY PRES. DU30
at SEN. PING LACSON

070516 cpp npa

Dear Sir:

Tama si Senator Panfilo Lacson na walang karapatan ang NPA na mag-aresto ng drug suspects.  Hindi ba mga outlaw ang mga NPA, bakit sila bibigyan ng authority para hulihin o patayin ang drug suspects?  Tanging ang mga pulis lang ang may authority na hulihin ang drug suspects ayon sa Saligang Batas.

Marahil sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na mas lalong matakot ang drug suspects,  kaya humihingi siya ng tulong sa mga NPA. Hindi ba abogado ang Pangulo natin? Kaya alam niya ang batas at alam niya ang ginagawa niya. Kaya chill lang kayo pasasaan ba mauubos din ‘yang drug lords at drug pushers. Sa takbo ng mga pangyayari, tiyak akong within six months mababawasan ang mga anay sa lipunan.  It is the time of retribution and the real change is on the making.

ROY ARTHUR A. ALBANIA
Pasay City
[email protected]

NINJA NG PNP GALING
DAW SA MPD?

070316 MPD

SIR Jerry, ang Ninja gang ng PNP na sindikato  ng droga at kidnapping ay nagmula  sa bakuran ng Manila Police District (MPD ) at nakapuwesto pa ngayon ang kanilang Godfather. Mula nang bumalik ang Ninja Godfather sa MPD ay parang kabute ang illegal drugs sa Maynila. Mula sa panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza ay nabuo ang 16 na Ninja pulis sa MPD. Hinasa sila ng kanilang Godfather a.k.a. Boy Gulpe sa kidnapping at nahinto lang nang maghimagsik ang mga Tsinoy sa Binondo, Manila.

Pinasok nila ang Binondo Drug triad Syndicate at upang maging matibay ang kanilang  God Father na si P/Senior Supt. Boy GULPE  ay nagpaakay siya sa nasabing SEKTA .

Kaya hindi magtatagumpay si PNP Chief Ronald “BATO” Dela Rosa habang nakapuwesto sa compound ng Manila Police District ang Godfather ng Ninja Gang ng PNP.

At maging ang tatlong heneral ng PNP na pinagre-resign ng Pangulong Duterte ay nagmula rin sa bakuran ng Manila Police District na pinayaman ng 16 pulis na Ninja Gang.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa   0926.899.91.27   o mag-email sa   [email protected]  . Para sa mga nakaraang isyu ng   BULABUGIN   please visit   https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *