Dear Sir:
Tama si Senator Panfilo Lacson na walang karapatan ang NPA na mag-aresto ng drug suspects. Hindi ba mga outlaw ang mga NPA, bakit sila bibigyan ng authority para hulihin o patayin ang drug suspects? Tanging ang mga pulis lang ang may authority na hulihin ang drug suspects ayon sa Saligang Batas.
Marahil sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na mas lalong matakot ang drug suspects, kaya humihingi siya ng tulong sa mga NPA. Hindi ba abogado ang Pangulo natin? Kaya alam niya ang batas at alam niya ang ginagawa niya. Kaya chill lang kayo pasasaan ba mauubos din ‘yang drug lords at drug pushers. Sa takbo ng mga pangyayari, tiyak akong within six months mababawasan ang mga anay sa lipunan. It is the time of retribution and the real change is on the making.
ROY ARTHUR A. ALBANIA
Pasay City
[email protected]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com