Friday , November 15 2024
OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Lifestyle check sa gov’t off’ls, employees ipatutupad

CLARK, PAMPANGA – WALANG puknat na lifestyle check sa lahat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang ipatutupad ng administrasyong Duterte bilang bahagi ng kampanya kontra-korupsiyon.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 69th anniversary ng Phil. Air Force (PAF), dapat iwasan ang luho at mamuhay nang simple ang lahat ng serbisyo-publiko.      “Kayo nabubuhay with extra frills, suweldo mo per diem may kinikita, this time you have to learn how to live frugally tone down if you used to buy cars for every member of family, the lifestyle check will be all year round I would know from the garage tingnan ko ilan kotse mo. Ganoon I’m sorry I have to say this to public,” wika ni Duterte.

Umaasa rin si Duterte na matutuldukan ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon at Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Cesar Dulay ang korupsiyon sa mga ahensiyang kanilang pinamumunuan.

Tiniyak ni Duterte na tututukan niya ang magiging kaganapan sa Customs at BIR para matiyak na matitigil ang katiwalian sa mga naturang ahensiya na nauna niyang tinaguriang kabilang sa “most corrupt agencies.”

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *