CLARK, PAMPANGA – UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na bago matapos ang taon ay malalagdaan na ang kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines –New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
“Good we’re talking to the Communist Party of the Philippines (CPP) and we hope to have a firm agreement by the end of the year,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa 69th anniversary ng Phil. Air Force (PAF).
Nakahanda siyang bigyan ng safe conduct pass si CPP founding chairman Jose Ma. Sison, maging ang detenidong mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na NDF consultants para lumahok sa usapang pangkapayapaan. Sinabi ni Duterte, hindi niya palalayain ang lahat ng political prisoners hangga’t hindi nagtatagumpay ang peace talks.
Hindi rin niya pagkakalooban ng amnesty ang lahat ng political prisoners kapag hindi nila tinalikuran ang armadong pakikibaka.
( ROSE NOVENARIO )