SINABI ng isang pasyenteng babae sa kanyang psychiatrist, “Tuwing matutulog ako sa aking kama, nararamdaman ko na mayroong tao sa ilalim nito.”
Pinayuhan siya ng psychiatrist, “Pumunta ka sa akin three times a week for two years, at gagamutin ko ang nararamdaman mong takot.
“Sisingilin lang kita ng P800 kada konsulta.”
Sumagot ang pasyente, “Pag-iisipan ko muna Doc.”
Pagkatapos ng anim na buwan, bumalik ang pasyente sa doktor.
Tinanong siya ng doktor kung bakit hindi na siya bumalik.
“Para sa P800 kada konsulta?” anang pasyente. “Alam ba ninyong sa halagang P300 ay napagaling ako ng bar tender?”
“Talaga! Anong ginawa niya?” tanong ng doktor.
Sagot ng pasyente, “Pinayuhan niya akong lagariin ang paa ng kama ko.”