Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, masaya na malungkot sa kanyang pagbibida sa The Greatest Love

00 fact sheet reggeeBIGLA naming naalala ang nanay namin na 13 years nang wala sa tabi naming magkakapatid nang mapanood ang trailer ng upcoming seryeng The Greatest Lovena may Alzheimer ang gumaganap na nanay sa apat na anak, si Sylvia Sanchez.

Bida na si Ibyang sa The Greatest Love? Ito kaagad ang tanong namin sa sarili nang mapanood ang trailer.

Sobrang natuwa kami dahil pagkalipas ng 27 years ay may lead role na ang aktres.

Ang alam namin ay hindi naman pinangarap ni Sylvia na maging bida at mas tipo niyang maging kontrabida dahil mas nagtatagal sa showbiz, oo nga naman.

Paliwanag ng aktres, ”hindi naman ‘to hinintay kasi hindi naman talaga ako nangarap maging bida, kasi sinabi ko naman talaga sa kanya (Diyos) at sa sarili ko na gusto ko kontrabida lang para steady lang, pero sobrang abot hanggang langit ang pasasalamat ko kasi nagkaroon ako ng show na ako ang bida, blessing!! Sobra-sobra!”

Masayang-malungkot ang nararamdaman ni Ibyang dahil may serye na siya, pero malungkot dahil ito raw ang pangarap sa kanya ng manager niyang si Tita Anggena hanggang ngayon ay tulog pa rin.

“Siyempre, sana gumising na si tita A, kasi gusto kong makita ang reaksiyon niya, ito kasi ang pangarap niya para sa akin noon pa. Siya ang manager ko for 27 years. Usapan namin, sa hirap at ginhawa, magkasama kami, kaya sana gumising na siya kasi alam ko masayang-masaya siya,” malungkot na sabi ng aktres.

Sa nakaraang ABS-CBN trade launch ay ipinakita ang The Greatest Love pero walang detalyeng sinabi at walang teaser kaya naman noong nai-post na saYoutube ang buong trailer noong Hulyo 1 ay umabot na sa mahigit 200 comments at pawang positibo lahat.

Finally daw ay may mapapanood na silang istoryang hindi tungkol sa kabit, hiwalay sa asawa at paghihiganti kundi tungkol sa isang pamilya. May nagtanong pa nga kung teleserye o pelikula ang The Greatest Love.

Nagkaroon na ba ng seryeng tungkol sa Alzheimer ang main story Ateng Maricris at hindi sub plot lang?

May immersion daw si Ibyang para malaman niya ang mannerisms at ibang ugali ng taong may Alzheimer at hindi naman binanggit kung saan.

Habang kausap namin ang aktres ay kasalukuyang nasa Quirino, Isabela siya noong Sabado para sa pictorial ng poster ng The Greatest Love dahil nga sa probinsiya ang setting nito.

Wala pang alam si Sylvia kung kailan ang airing dahil wala pa raw sinasabi at makakasama niya sina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, atAron Villaflor mula sa direksiyon ni Dado Lumibao handog ng GMO unit.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …