Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

FOI ipatutupad na ng Palasyo sa Executive Order (Sa wakas matutuloy na rin)

HINDI man legislative, sa wakas ay maipatutupad na rin ang Freedom of Information (FOI) Bill sa pamamagitan ng Executive Order.

Kung magiging seryoso ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng FOI, masasabi nating ito’y bentaha pabor sa tuluyang paglilinis niya laban sa scalawags at corruption.

Marami ang naniniwala na ang FOI ay ultimong instrumento para sa transparency ng pamahalaan at upang mabuyangyang sa publiko ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Hindi lang ito kalasag ng mga mamamahayag kundi maging ng mga mamamayan na naghahangad ng tunay na pagbabago hindi lang partikular sa pamahalaan kundi maging sa kabuuan ng lipunan.

Hindi naman natin sinasabi na ito na ang solusyon sa kabuuan.

Mas posible kasi na sa pamamagitan ng FOI, mababantayan ng mulat na mamamayan kung paano ipinapatupad ang mga polisiya ng bawat departamento at ahensiya ng gobyerno.

Kasabay nito, kung paano rin ginagasta ang pondo ng gobyerno.

Nakita siguro ng Duterte administration na hindi ito mabilis na maisu-sulong sa Kongreso dahil babangga ang FOI sa interes ng mga politikong may vested interest at hidden agenda sa kanilang pagpasok sa politika.

Kasabay nito, isang Administrative Order ang inihahanda rin para tuldukan ang media killings (Presidential task force on media killings).

070516 Malacañan duterte

Hindi natin alam kung ano ang magiging formula ng Duterte Admin para tuldukan ang media killings.

Pero sabi nga, isang mahusay na pagpapatupad ng peace and order ang susi para pigilan ang ano mang extrajudicial killings hindi lang media killings.

Ang pagpapatupad ng peace and order sabi nga ni Pangulong Duterte ay hindi lang nakabatay sa peace kung hindi ‘yung pagpapatupad ng orderliness.

Sabi nga ng Pangulo, maaaring ‘peaceful’ ang isang lugar dahil sa katangian ng mga naninirahan, kumbaga civilized and urbanized, pero may orderliness ba?!

Siyempre ang genuine na peace and order ay nakasalalay sa pagpapatupad ng batas at sa kredebilidad ng nagpapatupad.

Hindi minsang sinabi ni Pangulong Digong na siya ay abogado at naging fiscal, kaya alam niya kung ano ang hangganan ng kanyang kapangyarihan.

Noong panahon na ang inyong lingkod ay presidente ng National Press Club (NPC), ilang beses tayong nakipag-usap sa dating Secretary of Justice na si Leila De Lima, ganoon din kay dating PCOO chief, Sonny kolokoy ‘este’ Coloma para makipagtulungan kung paano wawakasan ang media killings.

Noong panahon ni Justice Undersecretary Ric Blancaflor ay binuo pa ang Task Force 211 pero mayroon pang Task Force Usig ang PNP.

Pero hindi naipatupad to the extent ang kapangyarihan ng nasabing mga Task Force dahil wala tayong narinig na naresolbang kaso.

At lalong wala tayong nalaman na nahatulan sa mga naganap na pamamaslang.

Kaya isa tayo sa mga umaasa na mayroong ibang formula ang Administrative Order ng Duterte administration laban sa media/extrajudicial killings.

Looking forward Mr. President!

PONDO NG PDEA DAGDAGAN,
DDB BAWASAN!

070516 PDEA DDB money

Ngayong seryoso ang bagong administrasyon na lutasin ang talamak na kaso ng illegal drugs, palagay natin ‘e dapat sipatin ng Office of the President ang budget ng Dangerous Drug Board (DDB) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Maaaring mas malawak ang kapangyarihan, tungkulin, responsibilidad at trabaho ng DDB kaya mas malaki ang kanilang budget kompara sa PDEA pero panahon na para busisiin kung saan ba talaga napupunta ang budget.

Ayon sa ilang nakakausap nating opisyal, mas maraming hotel & lodging and meeting facilities ang iniuulat na pinagkakagastusan ng DDB.

Transportation expenses gaya ng airfare at iba pa.

Ibig sabihin, ang espesyalisasyon ng trabaho ng mga taga-DDB ay magbiyahe nang magbiyahe at mag-hotel nang mag-hotel?

Habang ‘yung PDEA na pagkaliit-liit ng budget, e nasasabak sa mapanganib at madugong operations.

Kung gusto nating magtagumpay ang PDEA laban sa mga nagpapakalat ng ilegal na droga ay nararapat lang na dagdagan ang mga tauhan, kagamitan, kaalaman at ang pondo nito.

Hindi kaya panahon na para busisiin ng Office of the President ang budget ng dalawang ahensiya?!

MAGDALO TARGET ALIAS PAS KUA
SA IMMIGRATION!?

070516 immigration

Sino ba raw ang isang alias “Pas Kua” na balitang kumukuha ngayon ng ilang impormasyon tungkol sa mga dating ipinasok sa Bureau of Immigrtaion (BI) na “Magdalo” ni former Commissioner Ricardo David?

Kasama raw yata sa mga bagong papasok na administrasyon sa Bureau si alias “Pas Kua” at kasama raw sa plano ang pag-scratch sa BI ng grupo ng Magdalo?

Kung totoo ito, sino naman kaya ang sulsol-tant sa planong ito ni “Pas Kua?!”

Bakit hindi na lang gawin ay tanggapin muna kung sino ang mga nandiyan na at saka iplano kung paano isasaayos ang buong kagawaran.

Hindi yata magandang pakinggan na sa unang agenda pa lang, ang pakay ay paghihiganti sa kalaban?!

Ayaw ni Lord nang ganyan!

I’m sure, maaapektohan ang pamilya nila at samahan ng mga Magdalo.

Hinay-hinay lang, mahirap ang bara-bara at baka bigla kayong sumalto.

Sabi nga, ayusin muna ang sariling bakuran bago pakialaman ang bakuran ng iba!

Getz n’yo?!

MANILA NINJA BOYS
(ATTN: CPNP GEN. RONALD DELA ROSA)

FYI Sir Jerry, sana maiparating nyo kay CPNP Bato itong mga NINJA boys para mapaimbestigahan agad. Sina alias TOTOY IBYA, ALAN TSIKO, DYABER NELSON, RIBAL DODEE at JIMBOY PUENTEZ. ‘Yan ang mga salot na NINJA sa Maynila. Tago po ninyo numero ko. +63918399 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *