PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constitutional convention (Con-con) kaysa Constituent Assembly (Con-ass)
Sa kanyang kauna-unahang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mas magigiging malawak ang representasyon ng lahat ng sektor ng lipunan sa magiging bagong Saligang Batas kapag binalangkas ito sa pamamagitan ng Con-con kaysa Con-ass.
“More representation. But you know again, as far as I know, that has been his preference,” aniya.
Noon pang panahon ng kampanya ay pauli-ulit inihayag ni Duterte na kanyang isusulong ang Charter change (Cha-cha) upang mapalitan ang uri ng gobyerno patungo sa federalism mula sa umiiral na presidential.
Ilang mambabatas, kasama na si Sen. Franklin Drilon, ang naghain ng panukalang batas na nagsusulong ng Cha-cha sa pamamagitan ng Con-con.
Nakasaad sa Section 1, Article XVII ng 1987 Constitution, puwedeng amyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng Con-con, Con-ass, at people’s initiative.
( ROSE NOVENARIO )