DAPAT wakasan ng administrasyong Duterte ang kawalan ng katarungang panlipunan upang mawala na ang insureksiyon.
Sang-ayon ako na dapat suportahan ng pangulo ang mga miyembro ng Philippine National Police sa kanilang ginagawang pagsugpo sa kriminalidad sa buong bansa. At lalo rin na ako’y sang-ayon na dapat kastiguhin, kundi man sibakin sa puwesto, ang mga abusado at walang hiyang pulis.
Ang mga scalawag ang dahilan kaya sumasama ang tingin ng taong bayan sa mga alagad ng batas.
Tama si Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang lahat ng mga rebelde, mapa-komunista o Muslim, para magkaroon ng kapanatagan ang sambayanan.
Gayon man ay dapat malinaw na hindi lamang sila dapat kausapin. Dapat wakasan ng administrasyong Duterte ang mga ugat ng kanilang pagrerebelde katulad halimbawa ng mga sumusunod: kawalan ng katarungang panlipunan, labis na kahirapan, ang kawalan ng edukasyon, trabaho at kalusugan lalo na sa mga liblib na nayon, ang patuloy na paghahari ng mga oligarkiya at panginoong maylupa sa lipunan at ang pagiging neo-kolonyal ng bansa.
* * *
Tama na kausapin ni Pangulong Duterte ang China kaugnay ng mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Malinaw na hindi tayo mananalo sa isang digmaan laban sa mga Chino. Hindi sapat ang ating tapang (na hindi ko tinatawaran) at bilang para gapiin ang hukbong Instik. Hindi naman natin maaasahan ang Amerika dahil may mas malalaking isyu na pipigil sa kanila para kumilos laban sa China bilang kakampi natin. Kung sakali ang maaasahan natin mula sa Amerikano ay iyong ibala nila tayo sa kanyon.
Mas magiging mabunga para sa atin kung kakausapin natin ang China at bigyan natin sila ng mukha. Alam naman natin na para sa ating mga Asyano ay ayaw na ayaw nating napapahiya. Mahalaga sa atin ang dangal o mukha lalo na sa harap ng iba.
Kaisa ako ni Pangulong Duterte na makipag-usap sa mga Intsik. Mas may ibubungang maganda sa atin ang hakbang na iyan.
* * *
Binabati ko ang aking kaklase sa Adamson College of Law na si Senior Supt. Romulo Sapitula sa kanyang pagkakatalaga bilang hepe ng Eastern Police District na may sakop sa mga lungsod ng Marikina, Pasig, Mandaluyong at San Juan. Mabuhay ka classmate.
* * *
Eroplano ng Cebu Pacific na papuntang Maynila galing sa Dubai biglang nag-landing sa India. Bakit kaya? Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website,www.beyonddeadlines.com
Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.
USAPING BAYAN – Nelson Flores