LAOAG CITY – Kapwa namatay ang mag-ama nang sila’y tamaan ng kidlat habang nasa bukid sa Brgy. Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa.
Kinilala ang mga biktimang si Fernando Pelaracio, 47, at ang anak niyang si Freddie Flores, 13, kapwa residente sa Brgy. Poblacion Dos sa nasabing bayan.
Batay sa imbestigasyon ng PNP Pagudpud, nangyari ang insidente habang nagbubungkal ng lupa ang mag-ama.
Nasa kasagsagan nang malakas na ulan nang biglang kumidlat at sila ay tinamaan.