NANINIWALA si Albay First District Rep. Edcel Lagman, mas madaling maisasabatas ang kanyang inihaing House Bill No 116 o Divorce Bill kung ikukompara sa RH Law.
Ayon kay Lagman, maraming nangyaring debate patungkol sa RH Law kung ikukompara sa Divorce Bill na pinapaboran ng mas maraming tao.
Dagdag ni Lagman, batay sa survey ng SWS, lumalabas na majority sa kababaihan ang umaasang maisabatas na ang Divorce Bill.
Tinawag din ng nasabing kongresista na “pro-woman legislation” ang bill.
Kung babalikan, si Lagman din ang principal author ng RH Law.