Online gambling ipinakakansela na ni Presidente Digong
Jerry Yap
July 2, 2016
Opinion
MUKHANG muling masusubukan ang tatag at galing ni bagong Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea “Didi” Domingo sa maagang pronouncement ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte na ipinakakansela niya ang lahat ng online gambling.
Aba, ang ibig sabihin ba niyan lahat as in lahat-lahat nang online gambling gaya ng e-Games, e-Bingo, online sabong at online casino?!
Diyan natin masasabi na iba talaga ang adherence o malasakit na ipinakikita at ipinadarama ng bagong Pangulo.
Kultura at moralidad na ang pinag-uusapan dito kung tuluyan ngang ipakakansela ni Pangulong Digong ang ganyang mga uri ng sugal.
Hindi lamang simpleng laro sa pamamagitan ng sugal ang ipinatitigil ni Digong, winawasak niya ang isang kulturang daang-taon na nagpahirap sa maraming Filipino…
Ang kulturang maging palaasa sa suwerte at ultimong isusubo na lang para sa pamilya ay isusugal pa.
Hindi minsang ‘nabiktima’ ang maraming pamilyang Filipino na dating may magandang kabuhayan pero nagbagsakan dahil sa sugal.
Hindi rin iilan lang ang nagpakamatay upang iligtas sa kahihiyan ang sarili at ang pamilya.
Pabor tayo kung magiging seryoso ang bagong administrasyon sa adhikaing ito dahil sa online gambling nga naman ay nawawala ang limitasyon ng pagsusugal lalo sa mga kabataan.
Kumbaga kahit sino na lang, puwedeng mag-online game.
Sa mga private casino naman, doon naglalaro ang mga dayuhang Chinese sa loob ng VIP room under junket.
‘Yung isang Chinese maglalaro sa VIP room ng isang private casino, at habang naka-headset, kausap ang isa pang Chinese na nasa kanilang bansa na puwede rin niyang patayain at paglaruin.
O ‘di ba?
Mayroon bang sistema ang ating pamahalaan kung paano bubuwisan ang mga Chinese casino junket operator na ‘yan?
Kasi nga naman, imbes kumikita ang PAGCOR, ‘e nagugulangan pa ng mga dayuhang naka-junket.
Chairman Didi Domingo, Madam, alam naming hindi superior ang height ninyo, pero marami na kayong pinabilib nang maging Immigration Commissioner kayo.
Gusto ulit namin bumilib sa inyo kung paano ninyo ipatitigil ang mga online gambling na ‘yan…
Go Madam Didi, go!
KERNEL TUPAZ, BITBIT (ulit?)
NG BAGONG IMMIGRATION COMMISSIONER, OMG!!!
(PAKIBASA: SOJ VITALIANO AGUIRRE)
Nitong nakaraang linggo (Huwebes) ay lumutang na sa unang pagkakataon sa Bureau of Immigration (BI) main office si incoming BI Commissioner Jaime Morente.
Kasama ang kanyang transition team para sa initial turn-over, hinarap ni outgoing Commissioners Ronaldo Geron, AC Abdullah Mangotara at outgoing Executive Director Eric Dimaculangan si General Morente at pinag-usapan ang ilang mahahalagang bagay para sa maayos na paglilipat ng kapangyarihan.
Ayos na raw sana ang lahat para sa isang smooth turn-over of functions, pero may ilang nakasaksi habang nagkakape ng mga sandaling iyon at muntik na raw masuka noong makita nila ang isa sa mga alalay ni Commissioner Morente.
Aba naman at bakeet!?
Dahil kasama raw sa sinasabing transition team ni Morente ang isang very familiar and controversial figure na si (hold your breath guys!)… former T/A for BI Counter Intelligence na si ret. Col. JOEFREY TUPAZ!
Whaaat?! Whattafak!?
Akala namin ‘e change is coming? ‘E dating luma na ‘yan ‘di ba!?
Mag-konting throwback muna tayo mga giliw naming mambabasa tungkol kay Tupak ‘este’ Tupaz.
Hindi ba nga at pumaimbulog ang kasikatan nitong si Kernel Kupas ‘este’ Tupaz noong panahon ni expelled ‘este’ ex-Commissioner Siegfred Mison.
Sa panahon niya gumawa ng record ang administrasyon ni Mison noong makailang ulit na pinatakas ‘este’ tumakas ang notorious Korean fugitive na si Cho Seong Dae!
Unang tumakas ang nasabing fugitive sa kanyang pagkakakulong sa Warden’s Facility sa Bicutan.
Nang mahuli sa isang lugar diyan sa Parañaque ay muli na namang pinatakas ‘este’ nakatakas sa kabila ng pagkakapiit sa ISAFP detention facility sa Camp Aguinaldo.
Sonabagan!!!
Muntik na palang naka-grand slam si ret. Kernel Takas ‘este’ Tupaz?!
Sinasabing ang insidenteng ito ang isa sa mga naging dahilan nang pagkakasibak sa puwesto ni Miswa ‘este’ Mison?!
Sa panahon din ng all-star na T/A Tupaz, bumet-sa (sabit) umano ang BI Intel Division matapos ang isinagawang hulidap ‘este’ follow-up operations sa isang call center malapit sa Resorts World Casino.
Subject daw ng mama ang isang cyber-crime doon na involved ang hindi mabilang na mga Tsekwa.
Matapos ang nasabing operation at binitbit na ang kanilang mga huli, akala raw ng mga nakasaksi ay areglado na para sa isang accomplishment.
Pero laking gulat nila dahil hindi raw areglado ang nangyari kundi isang AREGLOHAN?
Juice colored!
‘Yan lang po ang ilan lang sa exploits ng isa sa mga member ng transition team ng bagong Immigration Commissioner Morente.
By the way, totoo ba ang balita sa BI main office na itataga ‘este’ itatalaga na Asscomm o executive director si Tupaz?
I have nothing against the new incoming BI commissioner. Alam natin na isa siyang magaling na tao kaya nga siya pinagkatiwalaan ni Pangulong Duterte.
Nag-aalala lang tayo at ang BI employees para sa kanya.
I just hope he is properly informed about what happened to Mison before because of this guy!
PABOR SA SEA MARSHAL SA KARAGATAN
Dear Sir:
Mabuti naman nagkaroon na ng kasunduan ang Malaysia, Indonesia at Philippines na magkakaroon ng sea marshal sa mga karagatan na nasasakupan ng tatlong bansang ito. Na kapag nangyari ang kidnapping sa kanilang karagatan at hinabol nila ang mga kidnappers na papunta na sa ating karagatan mayroon silang permisong habulin ang kidnappers. Pero hindi sila puwedeng dumaong sa ating teritoryo na may armas. Puwede lamang silang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at maging interpreter sa kanilang nationals na dinukot. At kailangan din magkaroon ng coordination sa ating awtoridad bago sila makarating sa ating mga daungan.
Magandang senyales, na magkakaroon na ng linaw kung paano masusugpo ang Abu Sayyaf Group sa kanilang pangingidnap. Dapat talagang tulong-tulong ang bansang naaapektohan nang sa ganoon ay mapadali ang neutralization ng grupong ito.
FAYE A. DAYAP
Pasig City
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com