Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilang artista ng network, nagtatampo dahil ‘di nabibigyan ng work

MUKHANG maraming artista ang masama ang loob sa isang network  dahil hindi raw sila masyadong napapansin gayung loyal naman sila.

Mas inuuna pa raw bigyan ng projects ang mga artistang bago o ‘yung mga artistang nagbalik-loob.

Ang buong kuwento sa amin ng mga nakausap naming artista, “actually, hindi naman ganoon katindi ang sama ng loob, more on tampo lang kasi ang tagal naming naghihintay ng projects, tapos mas inuuna ‘yung mga bagong discovery o kaya ‘yung mga bumabalik lang.

“Okay lang ‘yung mga bagong lipat, kasi bibigyan ng priority kaya nga lumipat kasi hindi napapansin din sa network na pinanggalingan.”

Hirit namin na bakit hindi na lang din lumipat ang mga artistang kausap namin baka bigyan din sila ng priority sa network na lilipatan nila.

“Actually, may offers naman, kaso loyal nga kami. Hoping na baka mapansin kami, eh, sa nangyayari ngayon, hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay,” pahayag sa amin.

Sabi pa namin at least ‘pag lumipat sila sa network na nag-offer sila, tiyak na sila ang prioridad dahil mga kilala na sila.

“Wait lang namin kung anong offer nila (network), malapit na naman akong mag-renew,” sabi sa amin.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …