Saturday , April 26 2025
road traffic accident

Electrician nahulog mula sa trike, patay

PATAY ang isang electrician makaraan mahulog na una ang ulo mula sa sinasakyang tricycle kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center  ang biktimang si Rolando Alvarez, 57, residente ng 340 Area 3, Matimias St., Pinalagad,  Brgy. Malinta ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO1 Fridayrich Delas Nadas, dakong 5:20 am nang maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng tricycle (UV-7867) na minamaneho ng isang Datul, na isa niyang kalugar.

Imbes sumakay sa loob ay sumampa ang biktima sa likuran ng driver at habang bumibiyahe sa San Francisco St., Brgy.

Karuhatan biglang nakarinig nang malakas na ungol si Datul.

Paglingon niya ay natuklasan niyang nahulog pala ang biktima. Isinugod ni Datul ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Nahaharap si Datul sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *