TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang armadong tunggalian sa bansa.
“It is not a war that can be fought forever. We cannot fight forever. We might have the weapons, the armaments, the bullets and the mortar but that does not make a nation,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ang unang tungkulin aniya ng Pangulo ay pairalin ang kapayapaan sa bansa kaya puspusan ang pagsusumikap ng kanyang administrasyon sa negosasyong pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
“My job is to bring peace. My job is to talk to the enemies of the state,” aniya.
Pupunta si Duterte sa Jolo sa susunod na linggo upang makipag-usap sa mga pinuno ng MILF at kay MNLF founding chairman Nur Misuari.
Isang inclusive government at hindi lang aniya coalition government ang kanyang inialok sa CPP kaya nga ilang puwesto sa gabinete ang ibinigay niya sa mga rekomendado ng komunistang grupo.
Habang sa teroristang Abu Sayyaf Group, binalaan ni Duterte ang grupo na may dapat silang panagutan.
“We can only take so much… There will always be a time for reckoning. We can only swallow so much. We cannot be the whipping boy of a few who want maybe nothing but money and power in their hands,” giit niya.
Aniya, magreretiro siya sa gobyerno nang masaya kapag nagtagumpay siyang maghari ang kapayapaan sa bansa.
“I can retire happy and I can look back and say I did my duty in nation-building,” sabi ng Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )