MATATANDAANG noong bago sumikat si Alden Richards ay tinawag itong Antok King dahil sa sobrang dami ng showbiz commitments ay wala na itong oras para makatulog ng maayos. Ang balita, sa kotse niya ito natutulog.
Puwede ring isingit ang taping ng kanyang mga endorsement dahil nagkasunod-sunod din ito kaya nga puwede rin siyang tawaging ‘Eyebug’ King dahil ang kapal na ng eyebugs na mabuti na lang, nabawasan dahil sa concealer.
Kung sabagay, may kasabihang ‘di puwedeng kuwestiyonin ang tagumpay!
Sa ngayon, may bago na namang tawag sa kanya, ang ‘Cancel o Postponed’ King dahil nakadalawa na siya ng concert na hindi natuloy. Matatandaang kasisismula lamang ng 2016 ay may concert siyang gagawin noon sa Philippine Arena pero hindi ito natuloy dahil ang balita ay mahina umano ang bentahan ng tiket. At ang pangalawa ay dapat noong June 25 sa The Laus Group Event Center sa San Fernando, Pampanga. Hindi rin ito natuloy dahil umano sa desth threat.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu