Monday , December 23 2024

Sa CHR at Kongreso: Huwag n’yo akong pakialaman

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso at Commission on Human Rights (CHR) na huwag makialam sa kanyang paraan nang pagsugpo sa korupsiyon at illegal drugs.

“You mind your work and I will mind mine,” sabi ni Duterte sa kanyang inaugural speech kahapon makaraan manumpa bilang ika-16 Pangulo ng Republika ng Filipinas sa harap ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes at kanyang mga anak na sina Paolo, Sara, Sebastian at Veronica, na humawak ng Biblia.

Tiniyak niya na puspusan ang kanyang paglaban sa korupsiyon, kriminalidad at illegal drugs kaya’t ipinaalala niya sa Kongreso at CHR na bilang abogado at dating piskal ay alam niya ang hangganan ng kapangyarihan ng isang presidente kaya’t batid niya kung ano ang legal at illegal.

Iginiit ni Dutete, nasaksihan niya kung paano agawin ng korupsiyon ang pondo ng bayan na para sana sa pag-angat sa kahirapan ng mga maralita.

Nakita niya kung paano sinira ng ilegal na droga ang mga tao at winasak ang kanilang mga pamilya, at kung paano ninakaw ng mga krimimal ang kinabukasan ng mga inosenteng mamamayan.

Sa huli, nagpaabot nang pakikiramay si Duterte sa bansang Turkey makaraan ang terrorist attack sa Istanbul airport kamakailan.

Inaasahan din niya ang partisipasyon nang lahat sa peace process at siniguro na susunod ang Filipinas sa lahat ng tratado at obligasyon sa international community.

“I am ready to start my work for the nation,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *