Saturday , April 26 2025

Publiko duda, walang tiwala sa gobyerno

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na layunin ng kanyang liderato na ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno.

Sa kanyang inaugural address, sinabi ni Duterte, kabilang sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay kawalan na ng kompiyansa ng mamamayan sa mga awtoridad.

Ayon kay Duterte, kabilang na rito ang nawawalang tiwala sa judicial system at duda sa kakayahan ng government officials na pagandahin ang buhay ng mamamayan at tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Ngunit tiwala si Duterte na hindi pa huli ang lahat at may magagawa pa para maisaayos ang problema lalo sa maigting na kampanya laban sa korupsyon at kriminalidad.

“Erosion of faith and trust in government – that is the real problem that confronts us. Resulting therefrom, I see the erosion of the people’s trust in our country’s leaders; the erosion of faith in our judicial system; the erosion of confidence in the capacity of our public servants to make the people’s lives better, safer and healthier. Indeed ours is a problem that dampens the human spirit. But all is not lost,” ani Duterte.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *