Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkakatanggal kay Kimpoy sa EB, walang eksplanasyon

NA-SAD kami para kay Keempee de Leon.

Tsugi na pala siya sa Eat! Bulaga. Pero ang hindi maganda, wala raw explanation.

Nang magtanong ang isang fan kung bakit hindi na siya nakikita sa noontime show ng Siete, umamin agad si Keempee who said, ”Wala na po, tinanggal na nila ako mag 4months na po.”

Sa kanyang comment naman sa isang Instagram post ni Paolo Ballesteros, Keempee said ”@pochoy_29 nice pao!  anyway it was a pleasure and greatful working with you all those years  hope to see you back in eb anytime soon as for me waley na…sabi nga nila..shonggal nako sa show. Di ko alam kung bakit. Waley memo or explanation. You deserve to be there and be back. They needed you kahit di nila aminin. Your good pao!!!  Good luck! God bless :)”

Marami ang nagulat. Imagine, parang binastos siya dahil ayon sa kanya, walang memo, walang explanation kung bakit siya tinanggal.

Ang tagal na ni Keempee sa show, ilang dekada na siya roon pero natsugi pa rin siya. Ang akala ng marami ay wala siyang pagkatsugi dahil nga anak siya ni Joey de Leon pero hindi yata totoo ‘yon kasi nga nasibak pa rin siya.

Hindi ba siya naipaglaban ng kanyang tatay na si Joey?

Baka naman may nagawa siyang mali at hindi na lang tinukoy sa kanya ng mga namamahala sa show. Or it could be nagtitipid ang pamunuan ng show dahil sa laki ng budget na ipinalalabas nila everyday.

Pero kung true nga ang sinasabi ni Keempee, that’s unfair.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …