Nanumpa na ang ‘utol’ ng bayan na ramdam ang ‘Likaw ng Bituka’ ng mamamayan
Jerry Yap
July 1, 2016
Opinion
ANG ‘utol’ ay ibang salita para sa kapatid. Ito ay pinaiksing salitang ‘kaputol’ na ang ibig sabihin ay magkaputol (iisa ang pinanggalingan) ang pusod at bituka.
Kung pagbabasehan ang kanyang inauguration speech. Si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ay maituturing nating ‘utol ng bayan.’
Dahil sa dami ng naging presidente ng bansa, siya lang ang nakaramdam ng paghihirap ng ating mga kababayan.
Pagkatapos niyang manalo sa eleksiyon nitong 9 Mayo, sinabi niya, ayaw niyang makakita ng mga nakapilang tao sa mga ahensiya ng gobyerno.
Ayaw niya na pinababalik-balik ang mga taong may transaksiyon sa gobyerno. Ang gusto niya pinakamatagal na ang tatlong araw dapat tapos na ang transaksiyon. Kung hindi natapos, dapat magpaliwanag ang government employee, in black and white.
Kahapon, muli itong inulit ni Presidente Digong. At sa kanyang inaugural speech ipinahayag niya ang unang utos ng bagong Presidente ng bansa.
Aniya, “…there are certain policies and specifics of which cannot wait for tomorrow to be announced.
Therefore, I direct all department secretaries and the heads of agencies to reduce requirements and the processing time of all applications, from the submission to the release. I order all department secretaries and heads of agencies to remove redundant requirements and compliance with one department or agency, shall be accepted as sufficient for all.”
Lahat yata ng nanonood sa telebisyon ay nagpalakpakan at naghiyawan nang marinig ito kay Presidente Digong.
Pero bago pa ang inauguration, narinig na natin kay Budget Secretary Benjamin Diokno na dapat ang passport ay 10 taon bago i-renew.
Sumunod dito ang iba pang public documents na madalas na hinihinging requirements sa iba’t ibang departamento ng gobyerno, gaya ng NBI clearance, birth certificate, lisensiya, TIN identification, SSS, etc.
Mantakin ninyo, ang daming dumating at umalis na bright boys sa Malacañan pero ang administrasyon lang ni Duterte ang nakaisip at makagagawa niyan?!
‘Yung mga nagdaang administrasyon, walang ginawa kundi paramihin ang gastos, pahirapan sa dami ng rekisitos at pahabain ang araw bago i-release ang dokumentong nilalakad ng isang mamamayan.
Alam naman natin na karamihan sa mga naglalakad ng papeles ‘e naghahanap ng trabaho o kaya ‘yung mga senior citizen na magreretiro na sa trabaho o beneficiary ng kanilang mga kaanak.
Mantakin ninyo, naghahanap nga ng trabaho, ibig sabihin walang pera, ‘e bakit ang dami pang ginagastos?
Hindi na talaga makahahanap ng trabaho ‘yan.
Pasahe at pangkain nga lang, nahihirapan nang mag-produce ang isang jobless na naghahanap ng trabaho tapos pagbabayarin ng sandamakmak na dokumento?!
Sonabagan!
Kahapon, sabi ng Pangulo, ‘yan ‘yung “certain policies and specifics of which cannot wait for tomorrow to be announced.”
Kung hindi man bukas (dahil Sabado na), sana sa Lunes, 4 Hulyo 2016 ay magsimula na ‘yan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan…
By the way, Mr. President, pakikalampag po ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga nakabinbing voter’s ID at Land Transportation Office (LTO) para sa lisensiya, sticker at plaka.
Sa pahayag pa lang ng bagong Pangulo, marami na ang sumaya at gumaan ang pakiramdam, ‘e di mas lalo na kung mangyayari at ipapatupad ‘yan, agad-agad, ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan…
Mga suki, suportahan natin ang wagas na layunin ng isang nagsisikap na administrasyon para sa isang tunay na pagbabago.
Sabi ni Digong: “Let me remind in the end of this talk, that I was elected to the presidency to serve the entire country. I was not elected to serve the interests of any one person or any group or any one class. I serve every one and not only one.”
Aasahan po namin ‘yan, Mahal na Pangulo at kaisa ninyo kami riyan.
Cargo, private planes aalisin na sa NAIA
Narito pa ang isang tiyak at espesipikong mag-isip, si incoming Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ang daming general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nagdaan pero walang nakaisip na ilipat ang cargo and private planes sa labas ng Metro Manila.
Isang paraan talaga ‘yan para i-decongest ang air traffic sa NAIA at traffic sa Metro Manila.
Sabi nga, hindi kailangan ng isang henyo para solusyonan ang isang ‘batayang’ suliranin.
Common sense lang ang kailangan.
At mukhang ganyan mag-function ang Duterte administration.
Kasi nga hindi nila kailangan tumanaw ng utang na loob dahil lahat ng tumulong sa kanila noong eleksiyon ay nakahanda rin tumulong para isulong at ipatupad ang sinasabi nilang tunay na pagbabago.
Hindi pa man opisyal na nag-uumpisa sa kanyang tungkulin ay nagtrabaho na agad si Secretary Tugade.
Kung hindi tayo nagkakamali ay marami nang nakausap na air charter, air cargo, aviation training, aircraft maintenance, at corporate flight operations ang bagong Kalihim.
Tinatrabaho na nila ngayon ‘yung mga lugar na puwedeng paglipatan nito gaya sa Sangley Point sa Cavite, sa Fernando Air Base sa Lipa, Batangas at sa Clark sa Angeles, Pampanga.
Sabi nga ni Secretary Tugade, “Magkakaroon ka ng additional aviation space, 18 to 22 percent, alisin mo ‘yan. Napakalaki ho niyan.”
Kapag nangyari ‘yan makikita natin kung gaano kalaki ang iluluwag ng trapiko sa Metro Manila.
Mag-iisyu ang Department of Transportation ng abiso sa general aviation operators sa loob ng unang 100 araw niya sa tanggapan.
Aniya, “You will give them enough time to move out. Hindi naman puwedeng sabihing bukas alis na kayo. I have to give them also an alternative place to go to.”
Ngayon pa lang, nakikita na natin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng “action man.”
Maaaring ang gabinete ni Pangulong Digong ay pawang puti na ang buhok kung hindi man ‘salt & pepper’ pero ‘yun ay nagpapakita lang ng kanilang mga makabuluhang karanasan na nga-yon ay iaambag nila sa isinusulong na tunay na pagbabago.
40.7 milyon “tongpats” sa organized vending saan napunta!?
Umabot umano sa P40.7 milyon ang nalugi o nawala sa kaban ng City of Manila nang hindi nai-remit ang kita ng mga itinalagang vending organizer officer ng alkalde ng Maynila.
May balita, mula noong buwan ng Agosto 2015 hanggang Pebrero 2016 ay hindi na raw nagre-remit ang mga tulisan ‘este’ vending organizer sa city hall?
Halos 15 buwan daw ang ibinulsa ng mga ven-ding kotong ‘este’ organizer officer na pinagkatiwalaan ni Mayor Joseph “ERAP “ Estrada.
Jusmio!!!
Halos P3.7 milyon umano kada isang buwan ang kinikita ng isang alias BOR-DYA sa night market sa Divisoria.
Mantakin n’yong P80 kolektong sa bawat vendor gabi-gabi sa Divisoria ang kamoteng ‘yan may bitbit na mga pulis.
Sa bawat vendor na matutukan ng ilaw ay P100, pangalawang sinag ay P50, at pangatlong sinag ng ilaw ay P30.
Mayroon pa raw drogang ibinebenta ang kamoteng ‘yan at puwedeng instalment ang bayad?!
Anak ng P&@!$
Hindi na tayo magtataka kung bakit mabilis na nagsiyaman ang mga damuho sa katas ng pobreng vendors sa Kamaynilaan.
Paki-explain nga ang isyung ito!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com