MAS titindi ang mga pagsubok na haharapin nina Pocholo (Carlo Aquino) at Wilma (Pokwang) ngayong hindi pa rin nagigising si Maricel (Melai Cantiveros) matapos itong maaksidente sa huling tatlong linggo ng Kapamilya afternoon seriesWe Will Survive.
Bagamat hindi nagpapakita ng senyales ng buhay si Maricel, hindi pa rin mawawalan ng pag-asa ang kanyang nobyong si Pocholo na gumaling at manumbalik ang dating lakas. Lubos ding apektado ang kanilang anak na si Jude (Josh De Guzman) ngunit tutulungan nila ang isa’t isa para magkaroon ng lakas na harapin ang pagsubok na kanilang pinagdaraanan.
Tulad ni Pocholo, patuloy din sa paglaban si Wilma para sa buhay ng kanyang kaibigan at walang pagod na kakayod para makalikom ng pera pambayad sa hospital bills ni Maricel.
Magkaroon pa kaya ng katuparan ang mga pangarap ni Pocholo para sa kanyang pamilya? Kailan nga ba magigising si Maricel?
UNCUT – Alex Brosas