Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May sakit na fan, dinalaw nina Alden at Maine

IPINAKITA nina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang mabait na side when they visited a sick fan, Jhommel Molina na may lung complication at naka-confine sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

Sa kanyang Facebook account ay ipinost ng  father ni Jhommel na si Rommel  ang  hinaing ng kanyang anak na hindi na raw nito napapanood ang kalyeserye ng dalawa.

Nahabag si  Rommel sa kalagayan ng anak kaya  sumulat ito sa Eat Bulaga at nag-request na bisitahin naman nina  Alden at Maine ang kanyang daughter, bagay na napagbigyan naman ng dalawa.

Out of sheer happiness ay ipinost ni Rommel ang photo nina Maine at Alden na kasama ang kanyang  anak. with this caption: “Wish granted! Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa bumubuo ng ALDUB nation, Eat Bulaga, at iba. Sobra pong ikinagulat namin at ng anak ko ang inyong pagdalaw sa ospital ng PCMC. Wala pong katumbas na kaligayahan ang naibigay n’yo sa aking iisang anak. Alam kung super busy kayo pero naisinggit nyo ang pagdalaw sa aking anak…kami po ng aking asawa ay lubos na nagpapasalamat at napaunyakan nyo ang aming munting hiling…more power sa Eat Bulaga! Kay Alden Richards at Maine Mendoza sana marami pa kayong mapasaya at matulungan! God Bless! Thank you.”

Naglabasan sa social media ang photos. Kung may natuwa sa ginawa nina Alden at Maine, mayroon ding nambasag.

“Do you really need to let everyone know that you visited a sick person.. For what??? If their intention is real hindi na dapat ipagkalat pa.. Just saying,” say ng isang basher.

Agad-agad ang pagtatanggol ng fans ng dalawa.

“For sure d naman c alden at maine ang may gusto na i post yan! Kasi madami nga clang tinutulungan ng lihim at ayaw na nilang ipalam pa! lalo c maine nakikita nyo naman lalihim kung magbigay,,kaya wag agad agad mag coment na kesyo bakit kailangan i post! Eh kung yung pamilya ng binisita ang may gusto! Ano magagawa mo! Isip isip din kasi bago mag comment! Basta may maicomment lang! Ganoin!!!” say ng isang maka-AlDub.

“Two beautiful people with pure heart. Thank you Alden and Maine for making this family happy. Your visit somehow lessens the emotional pain the parents have right now and the physical pain this little angel feels.God Bless you both. You are each other’s strength.ILY,” say pa ng isang fan.

Kinukuwestyon din ang timing ng paglabas ng photos dahil nalalapit na ang showing ng movie nina Alden at Maine. Ang iniisip nila, baka gumigimik lang ang dalawa para mapag-usapan ang kanilang movie.

( Alex Brosas )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …