Friday , November 15 2024

Maganda ang talumpati at simula ni Pangulong Rodrigo Duterte

Maganda ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng kanyang oath taking kahapon sapagkat bukod sa hindi siya nag mura at presidentiable na presidentiable ang dating niya, ay nalinaw niya sa bayan na siya ay naniniwala sa tinatawag na “rule of law.”

Idiniin niya na bilang abogado at dating prosecutor ay naniniwala siya sa due process. Dahil dito ay may palagay ako na maraming masunuring tao sa batas ang nakalma at nakahinga ng maluwag.

Gayun pa man nilinaw niya na gagawin niya ang lahat para mawala ang pangamba ng ordinaryong tao sa krimen, illegal na droga, korapsyon at red tape sa pamahalaan. Hindi niya kukunsintihin ang mga maling asal. Mabuti kung gayon.

* * *

Isang lingo matapos kong maisulat ang tungkol sa mga naghambalang na sasakyan sa kahabaan ng Congressional Avenue mula sa Luzon Avenue hanggang sa EDSA lalo na kung gabi ay wala pa ring ginagawa ang mga awtoridad para ayusin ang kalalagayang ito.

Naghihinala tuloy ako na may kumikita sa ganitong siste sa lugar na ito. Aba naku kahit anong lapad ng mga lansangan ay mababaliwala kung magkakaroon ng mga harang na pipigil sa daloy ng trapiko.

Kasalanan ito ng mga negosyante na nagtayo ng mga establisimiento pero hindi gumawa ng parking lot para sa kanilang negosyo.

Hoy, hindi nagbabayad ng buwis si Juan dela Cruz para pondohan ang inyong parking lot ha. Hindi kami sumusunod sa batas para pagkitaan lamang ng mga gahamang may-ari ng mga establisimiento.

Baog ang awtoridad laban sa mga ganid na ito. Alam ng barangay, ng mga traffic enforcers, pulis, at lokal na pamahalaan ang problema pero kataka-takang wala silang ginagawa. Bakit kaya? Ano ang padulas ninyo este palagay ninyo?

Pansinin na hindi lamang sa Congressional Avenue ito nangyayari…lahat ng lugar sa Kalakhang Maynila ay ganito ang kalakaran.

* * *

Uusigin ng Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri dahil sa umanoy korapsyon. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *