Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Keempee, tinanggal na sa EB; Paolo, ‘di na raw pababalikin

00 fact sheet reggeeKAYA pala matagal ng hindi napapanood sa Eat Bulaga si Keempee de Leon ay dahil tinanggal na raw siya apat na buwan na ang nakararaan.

Kung wala pang nagtanong kay Keempee na followers niya sa Instagram ay hindi pa malalaman na tsinugi na ang aktor.

Ayon sa post ng anak ni Joey de Leon na may pangalang @Kimpster888, ”wala na po.  Tinanggal na po nila ako, mag 4 months na po.”

May sumagot din ng, ”sad to hear tinanggal ka sa eat bulaga? What’s the reaction po of your dad?”

Pero hindi ito sinagot ng aktor.

Samantala, pinasalamatan ni Keempee si Paolo Ballesteros na nagka-trabaho sila sa Eat Bulaga noong naroon pa ang una bago siya sinuspinde.

Sabi ni Keempee, ”nice pao, it was a pleasure and grateful working with you all those years hope to see you back in eb (Eat Bulaga) anytime soonJas for me, waley na, sabi nga nila shonggal nako sa show. ‘Di ko alam kung bakit.  Waley memo or explanation. You deserved to be there and be back. They needed you kahit hindi nila aminin. You’re good Pao. Goodluck! God Bless.”

May tinanungan din kaming taga-Eat Bulaga tungkol sa pagkawala ni Keempee, pero wala rin daw silang alam at hindi na rin daw napag-uusapan.

Tinanong namin kung kailan naman babalik si Paolo? ”Wala rin pong advise, parang hindi na.”

Sino ba ang puwedeng sumagot sa isyung ito? Paging Eat Bulaga executives.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …