Friday , November 15 2024

Digong bibiyahe sa commercial plane (Ayaw ng VIP treatment)

IBABALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng air assets ng Office of the President (OP).

Sa kanyang opening statement sa kauna-unahang cabinet meeting sa Palasyo kahapon, sinabi ni Duterte na kakalawangin lang ang presidential plane sa kanyang administrasyon dahil commercial plane ang kanyang gagamitin sa pagbibiyahe.

Nais ni Duterte na gawing ospital na lang ang presidential plane para mapakinabangan.

Inatasan ni Duterte si Transportation Secretary Art Tugade na abisohan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na huwag nang ipatupad ang patakaran na pagpapatigil ng biyahe ng lahat ng eroplano 30 minuto bago umalis o dumating ang aircraft na sakay ang Pangulo.

Ayaw ng Pangulo na bigyan siya ng special treatment at  mas gugustuhin niyang dumaan sa regular na proseso o pumila kaysa dagdagan pa ang kalbaryo ng mga pasahero.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *