Friday , November 15 2024

Simple, matipid inagurasyon ni Digong

HINDI man marangya ang inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte bilang ika-16 Pangulo ng bansa, mababakas naman dito ang karangalan ng mga Filipino.

Sinabi ni incoming Communications Secretary Martin Andanar, magsisimula ang aktibidad bago mag-10:00 am at matatapos dakong 4:00 pm.

Inihayag ni Andanar, ang isusuot ni Duterte na Barong Tagalog na yari sa piña jusi fabric ay idinesenyo ni Boni Adaza at may ternong cotton black pants na pawang nilikha ng Davao-based fashion house Chardin.

“His wardrobe is the least of the President’s concern, but he went to fit his barong. He is raring to start with work right after the inauguration,” ani Andanar.

Aniya, nagtungo si Duterte kamakalawa sa Chardin at isinukat ang kanyang Barong na ayon kay Adaza ay kulay light brown at beige na burda na simbolo ng mga katutubong Manobo ng Mindanao.

“He wanted to incorporate a symbol to represent the 11 minorities in Mindanao. The tribal prints of the Manobo is the least complicated that’s why we have chosen that. It also shows the President’s simplicity,” paliwanag ni Adaza.

Habang ang mga pagkain sa Malacañan ay ihahanda ng Palace-accredited concessionaire Via Mare.

Kabilang sa pagsasalohan ng 627 bisita ay lumpiang ubod, pandesal with kesong puti at inihaw na Vigan longganisa, monggo soup na may tinapa at alugbati , pritong saba, at Durian tartlet.

Para sa inomin ay pine-mango cooler at dalandan juice.

No Holiday, No Road Closures sa Duterte Inauguration

TINIYAK ng Presidential Inaugural Committee, walang ipatutupad na road closures sa Metro Manila kaugnay sa inagurasyon ni incoming President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Inaugural Committee head Ambassador Marciano Paynor, kaya roon muna sa Philippine International Convention Center (PICC) didiretso ang mga bisita para sa security inspection ay para maiwasang bumara ang daloy ng mga sasakyan sa paligid ng Malacañang.

Ayon kay Paynor, bandang 10:00 am dapat nasa loob na ng Palasyo ang mga bisita dahil 10:45 am inaasahang darating si Duterte.

Duterte tutuloy sa Bahay Pangarap

HINDI mababakante ang Bahay Pangarap, ang naging official residence ni Pangulong Benigno Aquino III sa nakalipas na anim na taon.

Nabatid mula kay Presidential Inaugural Committee head Ambassador Marciano Paynor, matapos ang maghapon na aktibidad sa Palasyo sa inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte ay tutuloy siya sa Bahay Pangarap.

Inaasahang sa Bahay Pangarap magpapalipas ng magdamag si Duterte para makadalo sa kauna-unahang command conference niya sa Philippine National Police sa Camp Crame sa Biyernes.

Ang Bahay Pangarap ay nasa loob ng Presidential Security Group (PSG) compound sa Otis St., Paco, Maynila, na Ilog Pasig lang ang pagitan sa Malacañang.

Ipinagawa ito para maging official residence ni Aquino dahil bilang soltero ay masyado raw malaki ang Malacañang sa kanya.

Tulad ni Aquino, si Duterte ay single din dahil napawalang bisa na ang kasal niya sa asawang si Elizabeth Zimmerman noong 2001 ngunit magkasama sila sa bahay ng common-law wife na si Honeylet Avanceña at 12-anyos nilang anak sa Davao City.

Nauna nang sinabi ni Duterte, kahit Pangulo na siya ay araw-araw siyang uuwi sa Davao City dahil ang siyudad ang itinuturing niyang “comfort zone.”

Mula nang magwagi sa presidential elections ay naging tanggapan niya ang Presidential Guest House sa loob ng seaside compound sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Panacan na tinawag ng media bilang “Panacañang” o “Malacanang of the South.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *