Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phoenix kontra Racal

ITATAYA ng Phoenix Accelerators ang malinis nilang record kontra Racal Tiles sa kanilang duwelo sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 6 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap na 4 pm ay pinapaboran ang Tanduay Light kontra sa  nangungulelat na Topstar-Mindanao.

Ang Accelerators ni coach Erik Gonzales ang tanging koponang hindi pa nagugurlisan ang record matapos ang limang laro. Galing sila sa 126-77 panalo kontra sa Topstar Mindanao noong Lunes kahit na hindi nakapaglaro ang Southeast Asian Games veteran na si Mac Belo na nasuspundi ng isang laro.

Magbabalik si Belo mamaya at makakatulong nina Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russel Escoto at Ed Daquioag.

Ang Racal Tiles ni coach Caloy Garcia ay galing sa 78-72 pagkatalo sa Cafe France noong Martes at kasalukuyang katabla ng Tanduay Light sa ikatlong puwesto sa kartang 4-2.

Ang Tile Masters ay pinamumunuan ng pro bound na si Jonathan Grey na tinutulungan nina Dexter Maiquez, Jamil Ortuoste, Joseph Terso, Philip Panamogan, Ford Ruaya at Robbie Celiz.

Noong Martes ay naungusan ng Tanduay Light ang guest team Blustar, 94-91. Ang Rhum Masters ni coach Lawrence Chongson ay humuhugot ng lakas kina Louie Vigil, Andretti Steven at ex-pros Ken Acibar, Rudy Lingganay, Val Acuna at Jaypee Belencion.

Ang Topstar-Mindanao ay nasa dulo ng standings at wala pang panalo sa limang laro.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Philippine Golf Championship

Philippine Golf Championship, bubuksan ang Asian Tour Season

NAKAHANDA na ang tanghalan habang mahigit 130 manlalaro ang maglalaban-laban sa Philippine Golf Championship na …

Slasher Cup

46 Entry Magtutuos sa Grand Finals ng World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa Araneta

AABOT sa 46 na entry ang maglalaban-laban ngayong araw sa grand finals ng kauna-unahang edisyon …

Camila Osorio Donna Vekic PWO

Vekic tinalo sa tatlong set
Osorio itinanghal bilang kauna-unahang kampeon ng Philippine Women’s Open

NAGPAKITA ng katatagan at husay ang Colombian na si Camila Osorio matapos makabawi mula sa …

Donna Vekic Camila Osorio Eudice Chong Liang En-Shou

Vekic, Osorio magtatagisan para sa korona ng Philippine Women’s Open sa singles; Chong, Liang wagi sa Doubles

NAGTALA ng magkaibang panalo sina Donna Vekic ng Croatia at Camila Osorio ng Colombia kahapon, …

Alex Eala Parents

Ama ni Eala pinuri ang PSC

WALANG iba kundi si Mike Eala, ama ng tennis star na si Alex Eala, ang …