Friday , November 15 2024

Goodbye PNoy welcome Digong!

NGAYONG araw, sasalubungin ni outgoing president Benigno “Noynoy” Aquino III, ang opisyal na presidente ng Republika, si President Rodrigo “Rody/Digong” Duterte.

Opisyal siyang itatalaga bilang ika-16 na presidente ng bansa sa loob mismo ng makasaysayang Palacio de Malacañan.

Isang simpleng inagurasyon ang pinili ng bagong Pangulo na tatanggap ng mahigit 600 bisita. Payak na payak maging sa mga ihahaing pagkain.

Kung mayroon pa rin nagdududa kay Presidente Digong, palagay natin ay maliit na porsiyento na lang ‘yan at karamihan sa kanila ay ‘yung mayroong vested and personal interests na alam nilang hindi mapapaboran.

Sana ay ganito rin ang isip at damdamin ng lahat ng mga itinalagang opisyal ni Presidente Digong.

Sana’y kasing talas din niyang mag-isip at makiramdam ng mga taong itinalaga niya para makasama sa pag-ugit ng pamahalaan sa temang “change is coming.”

Sabi nga, tanging ‘yung bininyagan sa pangalang Perfecto lamang ang puwedeng tawaging perpekto, pero puwede namang abutin ‘yung ganoong antas kung sisikapin, ‘di po ba?

Ilang linggo pa bago ang inagurasyon ay dumagsa na sa Davao ang mga gustong makadikit at makasungkit. Uulitin lang po natin, malamang sila ‘yung sandamakmak ang vested at personal interests.

Maraming napahiya at luhaang nagbalik sa Maynila pero sabi nga mayroon pa ring makakapal ang mukha na nagpupumilit sumiksik o kaya ‘kumabit’ sa mga itinalaga ni Presidente Digong.

At ‘yun ang sinasabi natin.

Marami sila, hindi lang iilan, kaya dapat talagang mag-doble ingat si Presidente Digong.

Manatili sana kayong matalino, mapagbantay at matalas ang pakiramdam bilang proteksiyon sa inyong sarili habang kayo po ang nakaupo diyan sa Malacañan.

Anyway, congratulations & God bless, Mr. President!

Training at accreditation ng rehab workers niraraket ng DDB at DOH?

Nakikita naman nang lahat kung gaano kaseryoso si Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang programa na matigil ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Pero mukhang mayroong ilang opisyal ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang tila nakahahanap pa ng paraan para ‘rumaket.’

At ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating Pangulo.

Nagkaroon kasi ng bagong requirement kamakailan ang Department of Health (DOH) at DDB sa mga rehab workers.

‘Yung rehab workers, sila ‘yung mga staff sa isang private rehabilitation centers na umaalalay sa mga drug dependent na kusang loob na pumasok sa mga nasabing institusyon.

Kailangan nilang sumailalim kuno sa training para ma-accredit as rehab worker pero kailangan magbayad ng P24,000 bawat isa sa loob ng 2-linggong training.

Sonabagan!!!

Kung kayo ang may-ari ng isang rehab center, at mayroon kayong 10 tao, aabot agad sa P240,000 ang gastos.

Aba ‘e malaking pondo ang kailangan diyan.

Ang tanong pa, sasagutin ba ng mga rehab center ang gastos o sisingilin nila sa staff na padadaluhin nila sa training?!

Dahil sa mga problemang ‘yan, maraming rehab center ang hindi sumasang-ayon sa nasabing training.

Mayroon kasing option sa pamamagitan ng Colombo Plan Drug Advisory Programme (CPDAP).

Iniaalok ito sa DDB at DOH nang libreng training pero tinanggihan nila ito.

Nag-offer ulit ang CPDAP na kung gusto ng DDB ay joint project sila, ayaw pa rin.

Wattafak!?

Nag-o-offer nang libre ang CPDAP, tinanggihan?! Tapos ngayon gustong maningil ng DOH at DDB?!

Mukhang ‘yan ang unang dapat kalusin ng administrasyon ni Presidente Digong.

Mukhang mayroong nagma-money-making diyan sa DDB? Parang gustong mag-fund raising ng kung sino mang taga-DDB na may pakana riyan!?

Mukhang kailangan na talagang i-reshuffle ang  ilang opisyal diyan DDB. Maraming opisyal kasi riyan na kakaang-kaang at pabiyahe-biyahe lang at pinagkakaperahan ang mga training.

DDB Executive Director Benjamin Reyes, puwede bang paki-explain kung bakit napakamahal ng training ng DDB?!

PO2 Alianga, nakalaya at nakalabas na ng bansa!? (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

Nakatanggap tayo ng impormasyon, na (tahimik) na pinakawalan umano ng korte ang pulis na nahulihan ng kilo-kilong shabu, mga baril at P7 milyon sa vault sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila ng National Bureau of Investigation (NBI).

Anyare!?

Nabuking ng ating impormante, ang paglaya ni P02 ALIANGA ng NCRPO/DAID nang mag-yabang umano ang isang nagpapakilalang bi-yenan ng nasabing pulis.

Release for further investigation daw si P02 Aliangan ng korte nitong nakaraang linggo.

Wattafak!!??

May info rin na bago umupo si President Digong Duterte sa Malacañan ay sumibat o wala na sa bansa si P02 Alianga at ang kanyang anak at asawa!?

Sonabagan!!!

SOJ Vitaliano Aguirre, pakibusisi nga agad ang kasong ito!

Bakit tinawag ni Digong na Dead City ang Maynila?

Itinuturing ni Presidente Digong ang Maynila bilang isang dead city.

At nitong nakaraang linggo, tinawag naman niyang magulo at wala raw kaayusan (orderless).

Sa isang business forum sa Davao City, sinabi ni Digong na kung mayroong investor na mag-aalok na magtayo ng negosyo sa Maynila, kanya itong ire-reject at sa halip ay ililipat sa ibang probinsiya sa bansa.

Aniya, “Alam mo, sa Manila, maybe there is peace, but do you have order? It’s part of law enforcement kasi ‘yan, law and order—‘and.’ You have the law, you cannot enforce it anymore because it has become a physical improbability.”

“Kaya kung umasa ka lang kay Tugade to solve it using his saliva, sasabihin ko ‘Art, pahinga ka na lang, laway lang pala ang kailangan sa‘yo.’ So if you are not ready to cooperate with the guy, how can he solve the problem diyan sa… And there are the dynamics of our times now,” dagdag ni Duterte.

O ‘yan!

Mukhang alam na ni Presidente Digong kung ano ang dapat linisin sa Maynila. At klaro rin ang utos niya kay DOTC Secretary Tugade.

Kaya naman pala nangangatog na ang reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton.

Hindi mapalagay, araw-araw ay natataranta dahil nalalapit na ang maliligayang araw ng illegal terminal sa Plaza Lawton.

Mag-among hunghang, saan kayo pupulutin kapag winalis ni Secretary Tugade ang illegal terminal na sinasalukan ninyo ng P.2-milyones araw-araw gamit ang Manila City hall official?!

‘Yung reyna ng illegal parking, ay isa nang matandang hukluban kaya hindi na makababalik sa Mehan Garden.

‘E ‘yung sungay na nakasuksok sa mapanghi niyang pundia?! Wala nang mapupuntahan kundi magpaikot-ikot at sumukot-sukot sa mga sulok ng city hall.

Walang tatanggap dahil manununog ng pera ng press corp.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *