Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Achy Breaky Hearts nina Jodi, Ian at Richard rated PG ng MTRCB, fans kani-kaniyang manok

PAREHONG malawak ang fan base ng tambalang Jodi Sta. Maria at Richard Yap at Jodi Ian Veneracion.

Kung sobrang pumatok noon ang Be Careful With My Heart na pinagsamahan nina Jodi at Ser Chief, pumalo rin nang husto sa ratings ang “Pangako Sa ‘Yo” ng Kapamilya aktres at ni Ian.

Talagang nakipagsabayan sa KatNiel ang JoDian love team na ang mga eksena ay madalas na trending sa social media.

Kaya ngayon, dito sa latest movie offering ng Star Cinema na “The Achy Breaky Hearts” na pinagsama sina Jodi, Ian at Richard sa isang pak na pak na romantic comedy movie na idinirehe ni Antoinette Jadaone, sa lakas ng hatak ng tatlo, tiyak na dudumugin ito sa 170 Cinemas nationwide, kung saan ipalalabas ang pelikula.

Ang kuwento ng The Achy Breaky Hearts, ay isang modernong love story na naka-sentro kay Chinggay (Sta. Maria) na kailangan niyang mamili sa dalawang lalaki na sina Ryan (Veneracion) at Frank (Yap), na sabay na magkakainteres sa kanya.

Sama-sama sina Ian, Richard, Jodi at Direk Antoinette na magtatahi ng isa na namang ‘di malilimutang romantic-comedy na may tamang timpla ng hugot dialogues at mga karakter na sadyang mamahalin na ng todo ng mga manonood.

Sa TABH, mamimili si Chinggay sa dalawang klase ng pag-ibig. Sino ang kanyang pipiliin si Ryan o si Frank? O mapagtatanto kaya niya na ang pag-ibig na kanyang kailangan ay ‘di manggagaling sa dalawang lalaki?

Panoorin at maging bahagi ng nakakikilig na paglalakbay nina Chinggay, Ryan at Frank.

Rated GP ng MTRCB ang nasabing film na mae-entertain kayong lahat gyud!

TAMBALANG LOISA AT JEROME SA “WANSAPANATAYM” PANALO AGAD SA NATIONWIDE RATINGS

Agad binihag ng bagong tambalan nina Jerome Ponce at Loisa Andalio ang sambayanan dahil sa paghataw sa ratings ng “Wansapanataym Presents: Candy’s Crush” na nagsimula noong Linggo (June 26) sa ABS-CBN.

Tinutukan at kinakiligan ng mga manonood ang unang pagtatambal nina Loisa at Jerome sa telebisyon kaya naman nagtala ng national TV rating na 31.2% ang pinagbibidahan nilang palabas at madaling tinalo ang katapat nitong show na nagtala lamang ng 17.3%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, lubos ang naramdamang galit ni Candy (Loisa Andalio) matapos siyang pahiyain ni Paolo (Jerome Ponce) sa harap ng maraming tao sa pag-aakalang ikinakalat ng dalaga na sila ay magkasintahan. At upang makaganti, gagamitin ni Candy ang love spell book na ipinagkaloob ng matandang kanyang tinulungan upang gayumahin at gawing sunod-sunuran ang campus heartthrob.

Ngunit masisira ang kanyang plano dahil imbes sa kanya, sa kaibigan niyang si Amanda (Amy Nobleza) mahahalina si Paolo.

Maaalis pa nga kaya ang sumpa kay Paolo? Magtuloy-tuloy pa rin kaya ang galit ni Candy sa binata? Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Candy’s Crush” ngayong Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Panoorin ang nakaraang episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa skysubscribers.

KILALANIN ANG BESTIE NI PATRING SA “CALLE SIETE”

Agaw-eksena sa Mabuhay compound sa morning teleseryeng “Calle Siete” ang kagandahan at kaseksihan ng karakter ni Patricia Tumulak bilang si Patring na isang Zumba instructor hanggang may dumating na ibang Bestie sa nagkakagulong compound na ikinaloloka nang labis ni Shiela Mabuhay Sebastian (Eula Valdez) na gustong maging peaceful ang lugar.

Samantala, ito namang kikay na dalaginding na si Barbie (Ryzza Mae Dizon) sa kagustuhang maka-vibes ang lahat sa eskuwelahang pinapasukan ay may isang nang-aasar. Hayun ang bilis ng karma tumalsik nang hindi sinasadya ang botones ng blusa ni Barbie sa mukha nito.

Naku, marami pa kayong madidiskubreng iba’t ibang kuwento ng buhay ng bawat karakter sa Calle Siete na palabas araw-araw tuwing 11:30 am bago mag Eat Bulaga sa GMA-7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …