Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guesting ni Kris sa show ni Marian, in bad taste

MARAMI ang nag-react sa guesting ni Kris Aquino sa hindi naman nagre-rate na show ni Marian Rivera.

In bad taste raw ang guesting na ‘yon ni Kris. Ang paniwala nila, ang show ni Marian ang nakinabang sa pagbabalik ni Kris sa telebisyon.

Ang paliwanag ni Kris, nag-promise siya sa kanyang inaanak sa kasal na sina Marian at Dingdong Dantes na magge-guest siya sa non-rating show ng una.

Ang daming nambasag kay Kris sa comments sa isang popular website.

“Sabi ko na nga ba eh, akala ko ba magpapahinga dahil sa health nya. Grabe ang bilis bumalik. Sabi nya tututukan nya mga anak nya. Di talaga na di sya pwede sa limelight. Alam nya kasi manganganak na ang gf ni James, at magiging big news ito. Hindi yata sya patatalo noh. Parang si “clara” din ito eh ng tubig at langis hahahah laging papansin,” say ng isang basher ni Kris.

“Kahit one day lang tumaas ang rating ng show ni MR. Mas mataas pa ang rating ng mga anime shows. Hahaha,” patutsada naman ng isa kay Marian.

“Ayan Marian try mo isalba si krissy. Ramdam na ramdam na ni kris na ayaw na sknya ng mga tao kaya nagpapapansin na. Sana matulungan mo sya marian,” say pa rin ng isa pang basher.

“Bakit kapag si kris ang magkakaroon ng tv appearance sa ibang ntwork totally big deal sa lahat pero kapag ibang artista ang magkakaroon ng guesting parang ala lang.. FACT IS. KRIS AQUINO IS EVERYWHERE SIKAT AT MATALINO.. NAGIISANG ARTISTA TRUE TALAG A YUNG ITS EITHER U LOVE HER OR U H A TE HER BUT U CAN NEVER IGNORE HER!” pagtatanggol naman ng isang maka-Kris.

Ang feeling namin ay nagpapansin lang si Kris. She was away from the limelight for two months at gusto lang niyang mapag-usapan sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …