Monday , December 23 2024

Populasyon kokontrolin ni Duterte (Walang paki sa Simbahan)

ISUSULONG ni incoming President Rodrigo Duterte ang three-child policy upang makontrol ang paglobo ng populasyon.

Sa kanyang talumpati sa huling flag-raising ceremony bilang alkalde ng Davao City kahapon, sinabi ni Duterte, muli niyang ipatutupad ang family planning sa kabila nang pagtutol ng Simbahang Katoliko.

“I will reinstall the program of family planning. Tatlo tama na ‘yan so social workers must be proactive. Better shape up. ‘Wag na muna simbahan, away kami diyan e. Noon pa ‘yan, it started during [President Fidel] Ramos’ time. He was the only president who fought for family planning. Pati ako binabangga ko family planning. Hindi na realistic e,” aniya.

Alinsunod sa Reproductive Health Law na naisabatas noong 2012, pinahihintulutan ang pamamahagi ng contraceptives sa mga public health center gaya ng condom, pills at pagtuturo ng sex education sa mga paaralan.

Yapak ng tatay susundan ni Digong

MAGSISILBI ang administrasyong Duterte sa mahihina, walang pag-asa at walang laban.

Ito ang tiniyak ni incoming President Rodrigo Duterte sa kanyang huling talumpati bilang alkalde ng Davao City sa flag-raising ceremony kahapon.

“My government is for the helpless, for the hopeless, and for the defenseless. Those are the words of my father, I just borrowed it,” aniya.

Ang ama ni Duterte ang huling gobernador noong hindi pa nahahati ang rehiyon ng Davao.

Inatasan niya si incoming Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na wakasan na ang kalbaryo ng mamamayan sa pagkuha ng pasaporte.

Dapat aniyang magbigay ang DFA ng listahan ng requirements sa mga aplikante ng passport at kapag nakompleto na ito’y huwag nang pabalik-balikin pa sa tanggapan ng DFA at ibigay na ang pasaporte.

Naaawa si Duterte sa mga taong mula pa sa malalayong lugar, pumipila at natutulog sa bangketa sa paghihintay ng kanilang pasaporte.

Nauna nang sinabi ni Duterte na tutuldukan ang red tape at hanggang tatlong araw lang ang pinakamatagal na pagproseso sa mga dokumento sa mga tanggapan ng gobyerno.

Gabinete palalayasin antimano (Kapag corrupt…)

WALANG maaasahang tulong kay incoming President Rodrigo Duterte ang sino mang opisyal o kawani ng pamahalaan na masasangkot sa katiwalian

“I am hell-bent on stopping corruption, ayaw ko talaga. Iyan ang tandaan ninyo because you will never get any help from me kung may mga kaso kayong ganoon,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa huling flag-raising ceremony bilang alkalde ng Davao City.

Kung miyembro aniya ng gabinete ang sasabit sa korupsiyon ay bubulungan na lamang niya na kailangan nang lisanin ang gobyerno.

“Kung secretary ka sa Gabinete tapos nangurakot ka, I will just have to whisper, ‘Please go,’” dagdag niya.

Ilang beses nang inihayag ni Duterte na ang kanyang administrasyon ay tututok sa paglaban sa korupsiyon, kriminalidad at illegal na droga.

Impeachment, Plan B ni Leni ‘di sasantohin ni Duterte

BINIGYANG-DIIN ni incoming President Rodrigo Duterte, hindi siya natatakot sa impeachment kaugnay sa kanyang balak na mahigpit na pagpapatupad ng kampanya laban sa korupsyon at kriminalidad.

Sa kanyang pagsasalita sa harapan ng Davao City Hall kahapon, sinabi ni Duterte, tutuparin niya ang pangako sa taongbayan noong panahon ng kampanya na linisin ang gobyerno at mga lansangan mula sa mga kriminal.

Ayon kay Duterte, nakahanda niyang itaya ang kanyang buhay, karangalan at pagkapangulo sa pagtupad ng tungkulin.

Kaya raw siya nanalo nang landslide sa nakaraang eleksiyon dahil siya ang may dala nang tamang mensahe para sa mga taong galit at puno na laban sa mga tiwali at kriminal.

Iginiit ni Duterte, wala siyang pagdadalawang-isip na patayin ang mga kriminal at mga sangkot sa illegal drugs dahil naniniwala siya sa ‘retribution’ o pagbabayad-utang.

Kasabay nito, inihayag din ni Duterte ang tiyak nilang banggaan sa Commission on Human Rights  (CHR) na papalag daw sa kanyang prinsipyo nang pagpatay sa mga kriminal lalo ang mga sangkot sa karumal-dumal na krimen.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *