Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ina ng heneral tostado sa sunog

PATAY ang mag-ina ni police retired Gen. Ismael Rafanan makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat kay Sr. Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshal, hindi na makilala ang bangkay ng asawa ni Rafanan na si Merilyn, 61, at kanilang anak na si Stara, 27, nang matagpuan sa loob ng kanilang naabong bahay sa Block 4, Lot 11, Courage St., Capitol Homes, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay Chief Insp. Aristotel Banyaga, chief for operation ng Quezon City Fire Department, si Merilyn ay natagpuan sa loob ng comfort room ng master’s bedroom habang si Stara ay nakita sa loob ng kanyang kuwarto.

Sinabi ng opisyal, nag-umpisa ang sunog na umabot sa 3rd alarm, dakong 7:52 am sa master’s bedroom at naapula dakong 8:22 am

Nabatid sa imbestigasyon, habang naglilinis at naglalaba ang mga kasambahay, nakita nilang may lumalabas na usok mula sa kuwarto ni Merilyn at nasusunog ang bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang bahay kaya hindi na nagawa pang makalabas ng kani-kanilang kuwarto ang mag-ina.

Isinisigaw ng mga katulong sa kanilang mga amo na nasusunog ang bahay ngunit nabigong makalabas ang mag-ina.

Pinaniniwalaang na-suffocate ang mag-ina dahil sa usok kaya hindi na nakalabas.

Inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng nasabing sunog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …