Monday , December 23 2024

Bayan muna bago diplomasya

SABI nga, ang unang dapat magmahal sa isang bayan ay kanyang mamamayan.

At ang pagmamahal na ito ay dapat pangunahan ng namumuno sa isang bansa.

Naniniwala rin tayo na ang nakapagpapatupad lang ng isang tunay na diplomatic relations ay mga lider na inuuna ang pagmamahal sa bayan at nauunawan ang kasaysayan ng kanyang bansa.

Kung wala alinman sa dalawa, ang ‘diplomasya’ ay nagiging isang pangangayupapa sa isang makapangyarihang bansa.

Kung ipinapakita sa pamamagitan ng gawa, ni incoming President Rodrigo Duterte ang kanyang pagmamahal, pagtatanggol at paggalang sa ating bansa, ang lahat nang ito ay iuukol ng iba pang pinuno ng mga bansa sa pakikipagrelasyon sa atin.

Kaya nang tanungin ni Pangulong Duterte si US Ambassador Philip Goldberg, “Are you with us or are you not with us?” sakaling magkaroon ng komprontasyon ang China at ang Filipinas sa isyu ng South China Sea, ‘e nakapuntos na naman siya.

Lalo nang sabihin ni Digong na “bakit ako makikigiyera, kung mamamatay lang ang mga sundalong Filipino?”

Ano nga naman ang interes ng US para kampihan tayo sakaling tumindi ang tensiyon sa South China Sea?!

E di ba’t nakabaon ngayon sa utang ang Estados Unidos sa China?!

Gagamitin ba nilang ‘bargaining issue’ ang pambu-bully ng China sa Philippines my Philippines para lamang magkaboses sa pinagkakautangan nila?

O gusto ng US na malulong tayo sa pakikidigma para bentahan nang bentahan tayo ng mga armas, bala, sasakyan at iba pang supplies sa pakikidigma?!

Kapag nagkagayon, lalo tayong ilulubog sa pagkakautang ni Unlce Sam.

Sonabagan!

Akala siguro ng US, warfreak si Digong, kaya binibilog ang ulo na kanilang susuportahan sakaling tumindi ang tensiyon sa South China Sea.

Ingat-ingat din, Mayor Digong. Huwag kalimutan na ang bansang nagnenegosyo ng armas, ang unang-unang bansa na hindi maghahangad ng kapayapaan.

Dagdag-kulong sa carnapper dapat lang

Pirma na lang daw ni outgoing President Benigno Aquino III ang hinihintay sa batas na inaprubahan na ng Mababa at Mataas na Kapulungan sa Kongreso para tuluyan nang ipatupad ang dagdag na kulong sa mga karnaper.

Hindi na rin ikokonsidera rito ang halaga ng sasakyan. Basta kapag napatunayan na ninakaw o kinarnap ang sasakyan, ang kulong ay magiging 20 hanggang 30 taon na.

At kung napatay pa ang may-ari ng sasakyan, habambuhay na makukulong ang akusado.

O baka naman pati ‘yan ‘e i-veto pa ni Noynoy?!

‘Wag naman!

MPD kotong cop at tongpats sa droga masisibak na!

KA JERRY, aabot sa 100 pulis ng Manila Police District ang nakatakdang itapon sa Hulyo. Sila ‘yun mga sangkot sa illegal drugs at kotong sa illegal gambling at prostitution den, hijacking at sa carnapping case. Sana unang itapon si kupitan ng intelihensiya group sa MPD HQ. +639162500 – – – –

Huwag tayong umasa kay Uncle Sam

DEAR Sir:

Sabi ni Pangulong Duterte sa mga Amerikano, “Are you with us or are you not with us?” Tanong niya  kay US Ambassador Philip Goldberg kapag nagkaroon ng digmaan laban sa China. Ang sagot naman ng U.S. ambassador, “Only if you are attacked.”

Kapag pala ginigiyera na tayo ng China roon lamang sila tutulong sa atin. Kaya pala wala silang kakibo-kibo nang gumawa ng isla ang mga Intsik sa West Philippine Sea.

Wala silang ginawang hakbang na mapigilan nila ang pagpapagawa ng mga Intsik ng mga isla at gawing paliparan ang mga ito.

Doon lamang sila nangamba nang matapos na ang konstruksiyon ng mga isla. Ang sapantaha nila ay gagawing military garrison ang mga isla. Tapos nangingialam na sila sa pangambang mawawala na ang freedom of navigation at magdedeklara na ang Intsik ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa karagatan ng West Philippine Sea or sa South China Sea.

Gusto yata ng US ay makipagdigmaan tayo sa China.  Kaya nasabi tuloy ni Pangulong Duterte, “Why would I go to war?  I will not waste the lives of my people there.”

Napahiya siguro si US Ambassador Philip Goldberg.  Hindi niya sukat akalain na sasagutin siya nang ganoon.  Ang siste pa nito hinamon ni Pangulo ang ambassador,  ang sabi niya, “Can you match the offer?  Because if you cannot match the offer, I will accept the goodwill of China.”

Abangan natin ngayon ang susunod na hakbang ni Pangulong Duterte kapag nailabas na ang hatol ng International Arbitration Tribunal.

Tunay ngang kasabik-sabik ang mga susunod na kabanata.

ROY A. DELA PEÑA

San Pedro, Laguna

[email protected]

MPD jail overload na sa Oplan Rody

SIR, siksikan na mga preso sa loob ng Jail ng Manila Police District dahil sa walang patid ang pinatutupad ang “OPLAN RODY” sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Karamihan sa kasong nakakulong sa jail sa mga Police Station ay PD 5555, curfew on minor, half naked (Sec.819 ) at R.A. 9165 (Illegal Possesion of Dangerous Drugs ) at PD 1602 (Illegal Gambling ). Isang linggo lang, overload na ang mga jail.

Kaya dumaranas na ng mga sakit ang mga preso sa loob ng jail dahil hindi sila makahinga nang maayos dahil sa liit ng pasilidad ng kulungan. Kulang din suplay ng tubig at bentilasyon. Kaya kung aabutin pa nang isang buwan ang Oplan Rody ay wala nang mapaglalagyan ang violators. – concerned MPD personnel. +63917859 – – – –

Walang barangay award si illegal terminal operator

KA JERRY, bakit hndi binigyan ni Mayor Erap ‘yan walanghiyang brgy chairman na operator ng illegal terminal? Kilala n namin karakas nyan. Hndi na kami pagagamit sa kanya! Wala naman ngbabasa mga kasinungalingan sinusulat nya para proteksyon nya. Banatan pa ho nyo yan! +63910355 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *