Saturday , November 23 2024

DDB may nakahanda bang programa sa matinding kampanya ni Digong laban sa droga?

IYAN po ang gusto nating itanong sa kasalukuyang mga opisyal ng Dangerous Drug Board (DDB) lalo na kina Undersecretary Benjie Reyes at Executive Director Edgar Galvante soon to be LTO chief.

Ang papasok na administrasyon ay nakatuon para tuldukan at wakasan ang karumal-dumal na operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Kabilang tayo sa mga natutuwa sa mga operasyon na ‘yan.

Pero gusto rin natin tiyakin sa bagong administrasyon kung ano ang magiging malinaw na programa nila sa mga ‘user’ o biktima ng paggamit ng ilegal na droga lalo sa hanay ng kabataan.

Alam nating very expensive ang mga magpa-rehab ng isang taong lulong sa droga lalo kung ipapasok sa mga pribadong therapeutic centers or community.

Habang ang mga therapeutic and rehabilitation center ng pamahalaan sa Tagaytay, Magalang, Pampanga at sa Bicutan ay alam naman nang lahat na punong-puno na at halos magsiksikan na ang mga pasyente.

Saan pa nila ilalagay ang mga nadakip na lulong sa ilegal na droga o iba pang substance?!

Sa mga local government units yata, si Mayor Herbert Bautista lang ang nagtayo ng rehab commutiy para sa mga biktima ng ilegal na droga.

How about the other LGUs lalo na ang Maynila na sinasabing may malalaking operasyon ng ilegal na droga?

USec Reyes, paki-check na nga ‘yung ibang opisyal ng DDB na wala yatang ginawa kundi magbiyahe nang magbiyahe?!

Pagtrabahuin ninyo sila Usec, sayang ang pinasusuweldo sa kanila ng bayan…

O baka naman mas gusto ninyong si Presidente Digong pa ang umayos ng ahensiyang kinabibilangan ninyo?!

Aksiyon DDB!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *