Friday , November 15 2024

DDB may nakahanda bang programa sa matinding kampanya ni Digong laban sa droga?

IYAN po ang gusto nating itanong sa kasalukuyang mga opisyal ng Dangerous Drug Board (DDB) lalo na kina Undersecretary Benjie Reyes at Executive Director Edgar Galvante soon to be LTO chief.

Ang papasok na administrasyon ay nakatuon para tuldukan at wakasan ang karumal-dumal na operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Kabilang tayo sa mga natutuwa sa mga operasyon na ‘yan.

Pero gusto rin natin tiyakin sa bagong administrasyon kung ano ang magiging malinaw na programa nila sa mga ‘user’ o biktima ng paggamit ng ilegal na droga lalo sa hanay ng kabataan.

Alam nating very expensive ang mga magpa-rehab ng isang taong lulong sa droga lalo kung ipapasok sa mga pribadong therapeutic centers or community.

Habang ang mga therapeutic and rehabilitation center ng pamahalaan sa Tagaytay, Magalang, Pampanga at sa Bicutan ay alam naman nang lahat na punong-puno na at halos magsiksikan na ang mga pasyente.

Saan pa nila ilalagay ang mga nadakip na lulong sa ilegal na droga o iba pang substance?!

Sa mga local government units yata, si Mayor Herbert Bautista lang ang nagtayo ng rehab commutiy para sa mga biktima ng ilegal na droga.

How about the other LGUs lalo na ang Maynila na sinasabing may malalaking operasyon ng ilegal na droga?

USec Reyes, paki-check na nga ‘yung ibang opisyal ng DDB na wala yatang ginawa kundi magbiyahe nang magbiyahe?!

Pagtrabahuin ninyo sila Usec, sayang ang pinasusuweldo sa kanila ng bayan…

O baka naman mas gusto ninyong si Presidente Digong pa ang umayos ng ahensiyang kinabibilangan ninyo?!

Aksiyon DDB!

Baron at Kiko panalo sa gimik

Mantakin ninyo ‘yun?!

Naglaban pero ang resulta, DRAW?!

Sinasabi na nga ba natin na malinaw na  raket/gimik lang ‘yang labanan na ‘yan.

Aba ‘e parang tinakaw pa ang audience dahil pagkatapos ng Round 2, wala nang Round 3.

Hindi natin alam kung totoo ba ‘yung nagkomento na dapat mayroon pang laban sina Baron at Kiko kasi nga, bitin daw!

Wattafak!

Baka ang susunod na laban hindi na  sa Valkyrie kundi sa Big Dome na?

By the way, marami nga palang nagreklamo dahil hindi nila nakita ang laban dahil napakaliit ng Valkyrie. Kahit nagbayad daw sila ng reserved seat ‘e wala na silang nagawa nang dumating ang napakaraming tao.

Mukhang may naamoy tayong malansa sa labanang ito nina Baron at Kiko…

Ano sa tingin ninyo, mga suki?

The Change is Coming

Congratulations Katotong Mer Layson and company!

Congrats sa pagiging bagong presidente ng Manila Police District (MPD) Press Corps ganoon din sa ibang opisyal!

Mabuhay kayo!

By the way, marami ang umaasa na magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng MPD press corps.

Again, congratulations!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *