Friday , November 15 2024

3-anyos paslit kinatay ng ina

PINAGSASAKSAK ng isang 26-anyos ina ang 3-anyos anak niyang paslit habang bangag sa droga kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Centre and biktimang si Alexa Rain Aviso, tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Jin Pelayo, nakatira sa KCC Venterdeck Kapitbahayan, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sa naturang lungsod.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Edgar Valera, naganap ang insidente dakong 12:10 a.m. sa loob ng bahay ng mag-ina sa nasabing lugar.

Magkatabing natutulog ang mag-ina, pero nang magising ang suspek ay kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang anak.

Pagkaraan, tumakas ang suspek saka iniwan ang agaw-buhay na biktima.

Isinugod ng mga kapitbahay ang paslit sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Dakong 6:00 am nang isuko sa mga pulis ang suspek ng kanyang mga magulang.

Napag-alaman, bangag sa droga ang suspek nang maganap ang insidente.

Ayon sa suspek, biglang nagbago ang anyo ng kanyang anak na parang demonyo kaya nang makadampot siya ng kutsilyo ay pinagsasaksak niya ang paslit.

Nakatakdang sampahan ng kasong parricide ang suspek.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *