Friday , November 15 2024

Anyare bakit nawala sa NAIA ang P67-M security scanner ng OTS1?

KAGARAPAL namang pagnanakaw ‘yan!

Mantakin ninyong naglahong parang bula ang P67-milyon security scanner na inilaan ng Office for Transportation Security (OTS) para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?!

Naglaho nga ba o talagang hindi dumating?!

Noong 2015, ang OTS, isang Department of Transportation and Communications (DOTC) attached agency — ay bumili ng walo (8) full-body scanners sa halagang P48 milyon at walo (8) electromagnetic analyzers (EMA) o bottled liquid scanners sa halagang P19.2 milyon mula Singapore.

Ang pagbili sa nasabing state-of-the-art equipment ay para i-beef-up ang security sa NAIA terminals at sa Mactan-Cebu and Davao international airports ngunit wala ni isa man sa nasabing machines ang nai-install.

Noong Pebrero ng nakaraang taon, bumili ang OTS ng walong (8) full body scanners sa halagang P6 milyon bawat isa.

Ayon sa OTS, ang nasabing mga machine ay naipamahagi na sa iba’t ibang airport sa bansa.

Ayon kay DOTC-OTS spokesperson Jonathan Maliwat ang nasabing body scanners ay nai-deliver na sa international airports sa Clark, Laoag, Kalibo, Iloilo at Mactan-Cebu.

Ngunit ayon sa Kalibo at Mactan-Cebu airport officials, wala silang natatanggap na body scanners.

Wattafac!?

Noong Marso naman, sinabi ng DOTC-OTS na ikakabit nila ang P19.2-milyon halaga ng EMA o ‘yung tinatawag na bottled liquid scanners sa NAIA at sa iba pang airport.

Pero mismong OTS personnel ay nagsasabing hindi pa nila nakikita ang nasabing high-tech scanners.

Sonabagan!

Ang tanong: nasaan na nga ba? Bakit nagtuturuan ngayon ang OTS at NAIA?

Kasabay na bang maglalaho ‘yang P67-M security scanner ng administrasyong Aquino?!

Anyaree?!

Comelec Chairman Andres Bautista isinusuka ng Commissioners

Tila itinuring na raw na private property ni Commission on Elections (Comelec) chairman Andy Bautista na private property ang ahensiyang kanyang pinamumunuan?!

‘Yan ang naririnig ngayon sa apat na sulok ng Comelec.

Malakas ang bulungan na si Bautista ay nagdedesisyon nang walang konsultasyon sa kanyang mga komisyoner.

Kaya raw madalas ang pralala ni Bautista na kailangan nang baguhin ang Omnibus Election Code dahil mayroon siyang mga gustong ipatupad na kailangang pagdesisyonan kasama ang mga komisyoner pero pinangungunahan niya.

Kung totoo ito, posible kayang ini-lobby ni Chairman Andy sa mga commissioner (en banc) ang pagpapalawig ng SOCE ng Liberal Party?!

Nagtataka tayo kung bakit pinalawig ito ng Comelec en banc gayong sa mga nakaraang eleksiyon, mayroon silang desisyon na i-disqualified at i-unseat ang ilang politiko na lumabag sa batas ng SOCE.

Hindi ba’t si ER Ejercito ay perpetual disqualification dahil sa overspending?!

Hindi kaya maging basehan ang pagpapalawig ng en banc sa pagtanggap ng SOCE ngayong May 9 elections sa mga nauna nilang desisyon?!

Totoong magkaibang usapin ang pagpapalawig at overspending, pero ang pinag-uusapan dito ay desisyon sa SOCE.

Mas mabuti siguro kung nakahing noon ng ekstensiyon ng deadline ang kampo nina ER sa pagpapasa ng SOCE para nakuwenta nilang mabuti kung overspending sila?!

Mabigat ang mga implikasyong nilikha ng mga pagdedesisyon ni Chairman Bautista.

Totoong maraming dapat baguhin sa Omnibus Election Code, pero hangga’t hindi ito nababago, walang karapatan si Bautista na bastusin ito?!

Madam Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ano ba ang inyong palagay sa mga desisyon ni Chairman Bautista?!

Nagpapalagay ba siya ‘este’  napapalagay ba kayo o may dapat siyang kalagyan?

Pakikalsohan na nga Madam Ombudsman!

Balasahan na naman pag-upo ni Morente!?

MAY nakarating sa ating info, sa pagdating umano ni BI-Commissioner Jaime Morente ay plano niyang linisin ang kagawaran sa unang anim na buwan ng kanyang panunungkulan.

Layon daw ng uupong commissioner na ipatupad ang kautusan ni Incoming President Rodrigo Duterte na isaayos ang madungis na pangalan ng Bureau.

(Sino ba ang dumungis sa bureau?)

Kabilang ang BI sa mga ahensiyang pinangalanan na kilala kung red tape at korupsiyon ang pag-uusapan.

Of course, nangunguna sa listahan ang BIR, Customs, Bucor at iba pa.

May ilang urot, ang nagparating kay incoming BI Comm. Morente sa naganap pinakahuling reshuffle.

Siyempre, may dagdag na gatong ang mga urot at ang ipinagyayabang, balewala rin daw ang mga gagawing midnight appointments and personnel orders dahil lahat ‘yan ay babaguhin sa pagdating ni Commissioner Morente.

Araykupo!

Kaya ‘yung mga nagtiyagang gumapang at nagpalusot ng appointments at personnel orders, sorry na lang kayo guys!

Namnamin n’yong mabuti ang natitirang araw ng pag-angat n’yo. Dahil pagdating ng bagong administrasyon, balikbayan na naman kayo sa pinanggalingan n’yo!

Pustahan tayo kung hindi ito magkatotoo!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *