Thursday , December 26 2024

Liza, nag-extra effort sa love scene nila ni Janice

AWARE si Liza Diño na hindi sanay si Janice de  Belen na gumawa ng love scene kaya naman nag-exert siya ng effort para tulungan ito sa shooting ng Ringgo, The Dog Shooter.

Sa movie ay lesbian lover ni Janice si Liza.

“May love scene kami ni ate Janice pero hindi siya in a way na nag-expose ka lang for nothing,” say ni Liza.

“It’s very ano…what direk wanted was to show ‘yung relationship ng lesbian couple. It’s not…parang siyempre hindi naman tayo familiar (sa love making nila). Maraming tao ang laging tanong, ‘How do you make love?’ It was very…hindi siya matagal pero I’d like to think na parang na-achieve naman namin ‘yung eksena. We had to get to a point where we were both comfortable,” dagdag pa niya.

“Mayroon kaming scenes na kukuhanan namin ng mas maaga pa but lagi niyang sinasabi na ‘direk,  hindi ko pa yata  kaya’. Kasi nga siyempre, ano, eh, live scene. Gusto ni direk na ano, mas passionate and walang inhibitions. That’s very hard to achieve for somebody who’s really not used to ano. I mean, nagpakita siya ng likod niya rito,” chika pa ni Liza.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *