Friday , November 15 2024

Isda at soberanya matapang na ipinagtanggol ng Indonesia laban sa China

MATAPANG na ipinatanggol ng gobyernong Indonesia ang kanilang naval force laban sa China.

Ang isyu: nagreklamo ang China dahil binaril ng Indonesian navy ang Chinese fishing boats na ilegal na nagingisda sa Natuna Islands sa South China Sea nitong Hunyo 17 (Biyernes).

Pero ayon kay Coordinating Minister for Political, Security and Legal Affairs Lauhut Pandjaitan nitong Lunes (Hunyo 20) naipaabot na sa kanya ang insidente at kinompirmang ang pamamaril sa karagatan ay alinsunod rules of engagement.

‘Yun o!

Ganyan katapang ang Indonesia kung pagtatanggol sa kanilang likas-yaman sa karagatan at soberanya ang pag-uusapan.

Nagsalita si Luhut Pandjaitan matapos magrehistro ng matinding protesta ang China nang idetine ang Chinese fishing boat kasama ang pitong crew at  magpaputok ng warning shot ang Indonesian warship na KRI Imam Bonjol na nakasugat umano sa Chinese fisherman.

Pero matikas na nanindigan si Luhut at sinabing hindi nila kailangan sumagot sa protesta ng China.

Aniya, “What is important is that we find a solution (to resolve the issue) amicably, we want to maintain good relations with China, but without sacrificing our sovereignty.”

Ganyan katindi manindigan ang Indonesia.

‘Yan ang hindi natin nakita sa mga pinuno natin sa administrasyong PNoy.

Wala tayong nakitang nanindigan sa kanila laban sa pambu-bully ng China sa atin. Kaya naman lalo tayong binuli-bully ng China. Nakita kasi nila na mga urong ang bayag ng mga nagsasabing nagtatanggol sa kapakanan ng sambayanang Pinoy.

Malinaw kasi sa Indonesian government ang kanilang Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ang EEZ ay sona na nagpapalawig sa 200 nautical miles mula sa tabing-dagat na ang isang estado ay nagkakaroon ng espesyal na karapatan para sa exploration at paggamit ng marine resources sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kaya ang EEZ ng bawat ‘littoral states’ sa South China Sea ay nag-o-overlap sa sinasabi ng China na nine-dash line. At dito nagsisimula ang territorial disputes sa pagitan ng Asian powerhouse at Taiwan ganoon din ang Vietnam, Philippines, Malaysia at Brunei sa Southeast Asia.

Hindi naman kasama ang Indonesia sa territorial dispute, pero nadamay sila matapos sabihin ng Beijing nitong nakaraang Marso na ang karagatan sa kanilang EEZ ay bahagi ng “traditional fishing grounds” ng China.

Pero ayon kay Luhut, hindi nila tinatanggap ang claim ng Beijing ngunit bukas sila para sa patuloy na diskusyon sa international maritime law experts upang matagpuan sa eleganting  paraan ang resolusyon sa nasabing isyu.

Sana ganoon din manindigan ang naval force natin at diplomatic corpse kaugnay nang halos kaparehong isyu natin sa China.

Ang Indonesia, hindi lang ang mga isda at iba pang likas-yaman sa karagatan ang ipinagtatanggol, kundi maging ang kanilang soberanya.

At ipinakikita nila ito sa buong mundo.

Nakalulungkot na hindi ganyan manindigan ang mga pinuno ng ating bansa na dapat humarap sa ganitong isyu.

Nagmumukha tuloy ‘engot’ at ‘timawa’ ang ating mga mangingisda na nabu-bully sa sariling teritoryo at kung minsan ay nakukulong pa.

Sana ay hindi na maging ganito ang mukha natin laban sa pambu-bully ng China  sa papasok na administrasyong Duterte.

Umaasa po ang sambayanang Filipino, Presidente Digong!

Sinibak na MTPB enforcers pinabalik na sa City Hall

Bumalik ang kasiyahan sa ilang MTPB personnel na ilang araw na nabugnot sa kalungkutan makaraang makasama sa sibakan sa Manila city hall.

Mukhang nabasa yata ng ilang bright boy sa city hall ang isinulat nating hinaing ng mga sinibak na MTPB personnel at muli silang pinatawag at pinabalik  ulit sa serbisyo.

Pinapili pa raw sila kung saan area at puwesto para ayusin ang trapiko sa Maynila.

Wala raw nagawa ang dalawang kontrabidang kolektong ng MTPB sa pag-recall sa nasabing traffic personnel.

By the way Yorme Erap, madaling makilala ang dalawang kamote na nagtatamasa sa MTPB.

Nakabili na raw ng bagong tsekot ang kotong-in-tandem na bata-batuta ng kanilang dating bossing!

Muli, nagpapasalamat ang mga ibinalik na MTPB personnel kay Mayor Erap.

Daragsa ang balimbing sa gobyerno

MAY ilang issues ang kumakalat ngayon sa lugar ng Davao, na pinagmulan nina incoming Philippine President Rodrigo Duterte.

Although bigla raw tumaas ang bilang ng local tourists pati na investors sa kanilang lugar, hindi raw nila akalain na sa loob ng ilang dekada ay ngayon lang nawalan ng mga mabibiling kilalang prutas doon sa Davao.

Alam naman natin na kilala ang Davao pagdating sa Pomelo, Mangoosteen, Durian, Marang at saging.

Pero ngayon daw ay wala nang mabibili kahit saang palengke o talipapa ng mga nabanggit na prutas.

Iisang klase na lang daw ang makikita sa kalye lalo sa mga lugar na malapit sa tirahan ni Presidente Digong. BALIMBING na lang daw ang tanging makikita sa lugar na ‘yan!

Wattafak!?

Siyento-por-siyento sa pagpasok ng Duterte administration, kakalat ang BALIMBING sa kahabaan ng Palasyo de Malacañan.

Agree ba kayo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *