Friday , November 15 2024

PNoy handa nang umalis sa Palasyo (Nakaimpake na)

NAKA-IMPAKE na at handa nang umalis sa Palasyo si Pangulong Benigno Aquino III, ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

“Ang batid ko ay matagal nang naumpisahan ito at handang-handa na siyang lumisan sa araw ng Huwebes, Hunyo 30, sa susunod na linggo,” ani Coloma.

Isang linggo na lang ay papalitan na ni President-elect Rodrigo Duterte si Aquino sa isang simpleng inauguration ceremony sa Palasyo sa Hunyo 30.

“Mayroong established practice kasi na kapag nagpapalitan ng administrasyon, nagkikita ang outgoing at ang incoming President. Sa aking nabatid, maoobserbahan naman itong tradisyon na ito at magkakaroon ng pagkakataon na magkita si Pangulong Aquino at si President-elect Duterte bago manumpa sa tungkulin ‘yung bagong Pangulo,” dagdag ni Coloma.

Sa kanyang talumpati kahapon sa ika-118 anibersaryo ng Department of Foreign Affairs (DFA), ipinagmalaki ni Aquino na taas-noo niyang lilisanin ang Malacañang dahil tinupad niya ang mandato sa kanyang mga “boss.”

Binigyang-diin niyang naibalik niya ang karangalan ng Filipinas sa international community.

“Higit sa lahat, nabawi natin ang ating pambansang dangal. Kung dati, tayo ang binabalewalang kasapi ng pandaigdigang komunidad, ngayon isa na tayo sa tinitingalang bansa. Kung dati puro negatibong balita ang bumabandera tungkol sa Filipinas, ngayon isa na tayo sa laging napupuri,” sabi ni Aquino.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *