Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, ‘di rarampa nang sexy

00 fact sheet reggee

SOBRANG natutuwa sina James Reid at Nadine Lustre dahil good influence sila sa kanilang JaDine supporters. Katunayan, pinadadala sa kanila ang mga grado ng mga estudyante na sumusuporta sa kanila at sinasabing mataas ang grades nila dahil sa dalawang Viva star.

Kaya naniniwala silang malaki ang maitutulong ng libro nilang Team Real dahil maraming mababasa ang supporters nila tungkol sa samahan nilang dalawa hindi lang bilang mag-girlfriend/boyfriend kundi kasama na rin ang mga plano nila sa future at kung paano nila sine-save ang kita nila.

Sabi ni Nadine, ”all the fans po, ginagawa kaming role model at iniisip ko na I want to be inspiration to them, we are always careful of what we do, sa lahat ng sinasabi namin.”

Ayon naman kay James, ”we do this for them to the fans, we did this for them to get to know us better.”

Kaya naman sa ginanap na Team Real book launching nila sa Market! Market! noong Linggo, Hunyo 19 ay umabot sa 11,000 fans ang nakipila para makabili ng libro.

As of this writing ay umabot na raw sa 100,000 copies ang nabenta ng Team Realbook at umabot lang sa 1,800 copies ang napirmahan ng JaDine dahil hindi na nila kinaya.

Kuwento nga ni Ms. Veronique del Rosario, ”siyempre, nangalay na ang dalawa, hindi na nila kinaya kaya 1,800 copies lang ang natapos. Siyempre we’re so happy for the book launching kasi super lakas talaga iba pa ‘yung online selling.”

Natawa naman sa amin sina Ms. Veronique at ang Viva Vice President for Marketing na si Ms. Leigh Legaspi dahil kinuwenta na kaagad namin ang kinita na umabot sa P29,500,000.00.

“Grabe ka, kinuwenta mo kaagad?” sabi ni Ms. Veronique sa amin.

At dahil bantang death threat ay sobrang higpit daw ng security sa ginanap na book launching ng Team Real pero hindi naman daw naramdaman iyon ng dalawa.

Ayon kay Nadine, ”well, feeling ko naman po kasi nag-start ‘yun dahil nga kay Christina Grimmie na harap-harapang binaril and fan yata iyon sa autograph signing. Parang feeling ko po, nag-start lahat iyon.

“Nakatatakot din po talaga, so far wala naman pong ginagawa pang moves kasi wala naman nangyayari, ‘yung book launching palang naman ang event namin,”saad ni Nadine.

Nitong Hunyo 16 lang dumating ang JaDine mula sa iba’t ibang cities sa East Coast na naka-14 shows sila.

“Marami na nga kaming tinanggihang shows kasi hindi na nila kaya, next year na lang dahil they have to finish naman their commitments here like teleserye and movie,” kuwento pa ni Ms. Veronique.

Tungkol naman sa puwesto ngayon ni Nadine sa FHM ay wala na raw siyang update dahil hindi na raw siya nagtatanong, pero if ever na mag-number one siya ay hindi naman din siya puwedeng rumampa ng sexy.

Paliwanag ng manager nilang si Ms Veronique, ”may mga limitation kami sa endorsements kaya hindi puwede.”

Okay ito para kay James dahil gusto nga niya ay for his eyes only ang kaseksihan ng girlfriend niya, pero sa ginanap na Team Real presscon, ”it’s up to her (kung rarampang naka-sexy outfit), if she’s happy, then, I’ll be happy, too.”

Natanong ang dalawa kung hindi ba sila natatakot na nawalan na sila ng privacy sa relasyon nila dahil kaya naman tinanong ang dalawa kung hindi ba sila naasiwa o natakot na halos lahat ay malalaman na ng mga makakabasa ng libro ng tungkol sa kanila.

“Evern before the book naman wala na kaming privacy. I guess this is really some juicy details, we expound our love story in chapter 8. That’s our love story that we never told,” diretsong sabi naman ng actor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …