Friday , November 15 2024

Mag-resign na kayo! (Ultimatum ni Duterte sa 3 heneral)

 MAY isang linggo pa ang tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa illegal drugs at iba pang illegal na gawain para magpaalam sa serbisyo.

Sinabi ni President-elect  Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa oath-taking ceremony ni Sen. Manny Pacquiao kamakalawa sa Saranggani province, kapag hindi kusang nagretiro ang tatlong PNP general ay papangalanan niya sa kanyang speech.

Upang maiwasan aniya ang kahihiyan ay mas makabubuting magretiro na lamang ang tatlong PNP generals sa tanghali ng Hunyo 30, bago siya manumpa bilang ika-16 Pangulo ng bansa.

“Kapag hindi kayo kusang umalis sa PNP ay papangalanan ko in public ang tatlong heneral na sangkot sa illegal drugs,” banta ni Duterte kamakalawa.

‘Zero tolerance sa corruption’ at kriminalidad aniya ang magiging pamantayan ng administrasyong Duterte at hindi niya papayagan na sirain ng mga tiwali at kriminal ang bansa, lalo na ang kabataan.

Nakatakdang manumpa bilang Punong Ehekutibo ng bansa si Duterte kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes sa Rizal Hall ng Malacañang at dadaluhan ng 627 bisitang imbitado.

Una nang inihayag ni incoming Communications Secretary Martin Andanar, ‘off limits’ sa private media ang coverage ng oath taking ni Duterte bagkus ay PTV 4 at Radio TV Malacañang (RTVM) lamang ang papayagang makapasok sa Palasyo.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *