Monday , December 23 2024

Gimik at negosyo to the max ang labanang Geisler at Matos!

MASASABI nating mahusay gumimik ang dalawang aktor ng Philippine show business na sina Baron Geisler at Kiko Matos.

Sabi nga, an idle mind is a devil’s workshop.

Ang alam natin, matagal-tagal na kasing walang proyekto sa pelikula o kahit sa telebisyon sina Geisler at Matos.

Hanggang maganap nga ang kanilang sapakan sa isang bar sa Quezon City.

Akala natin, ito ay isang eksena na magwawakas sa korte…

Pero nagkamali po tayo dahil ang eksena ay magwawakas sa       Universal Reality Combat Championship’s (URCC) MMA ring.

Ang daming napapalakpak at napa-wow nang mabalitaan na gagawing pormal na laban ang away-kalye nina Geisler at Matos.

Pero nagulat din agad ang lahat ng napapalakpak at napa-wow nang muli nilang mabalitaan na pagkakakitaan pala nang malaki ang ‘sapakan’ na ‘yan.

E mantakin n’yo naman, tuloy na tuloy ang laban sa URCC Fight Night this coming June 25, 2016 sa Palace Pool Club pero para mapanood ito ay kailangan gumastos nang malaking halaga.

Ang “Single Entry” ay P1,200 (1 ticket no consumable drink nor food).

Sa Mezzanine Skybox, tosgas ng P60,000, ‘yan ay may 15 tickets at P20,000 consumable.

Habang sa iba ay gagastos ng  P60,000, P50,000, P45,000, P40,000 hanggang P35,000. Mayroon din consumable food & drinks.

O ‘di ba?

Hindi ba’t maliwanag na gimik o negosyo ‘yang sapakan at pagbabati ‘kuno’ nitong sina Geisler at Matos?!

Paging movie producers and television networks, bigyan na ninyo ng project ang dalawang ‘yan para magkaroon ng pagkakakitaan hindi ‘yung kung ano-anong gimik ang ginagawa para kumita!

Kamag-anak Inc., umeepal sa Manila City Hall

In fairness, mayroon din talagang mga pinagkakatiwalaang tao si Yorme Erap Estrada na mapagkakatiwaalan at talagang nagseserbisyo sa bayan.

Maraming empleyado ng Manila city hall, ang nakapapansin ngayon na may Kamaganak Inc. ang madalas na nakikialam na sa mga official function ng ilang departamento.

‘Yun nga lang kapag hindi raw kikita ‘yung KAMAG-ANAK Inc., tinutsugi ang mga project ng mga seryoso, dedikado at determinadong opisyal sa Erap administration.

Tapos papalitan umano ng mga project na kikita sila pero ang gagamitin pa rin ‘yung opisina ng tsinuging proyekto.

Ano ba ‘yan?

Parang gusto nating maniwala na kaya nasentensiyahan ng Plunder si Erap ‘e dahil sa mga taong hindi niya matanggihan at pagkatapos ay hahatakin ang buong pamilya.

Araykupo!

Mayor Erap, nasa ikalawang termino na po kayo, baka puwede namang magtrabaho ‘este’ i-check ninyo ‘yung mga ‘pinagkakatiwalaan’ ninyo na baka hindi ninyo alam, sa kagustuhang kumita nang malaki at easy money ay naililigwak na kayo?!

Sabi nga ninyo, “I learned not to be trusting…”

Gawin na ninyong gabay ‘yan laban sa mga taong nakadikit, nakabuntot at nagkukunwaring dikit ninyo pero inaabuso ang paggamit sa pangalan ninyo.

Baka kasi isang araw ‘e magising kayo na wala na ang mga tunay at mapagkakatiwalaang tao ninyo kalalaglag ng mga ‘malalapit’ sa inyo.

Unsolicited advice lang po.

All of war sa VK, wa epek sa MPD PS-10 at PS-4!?

Mukhang tablado ang utos ni MPD district director Gen. Rolando Nana na hulihin at kompiskahin ang lahat ng video karera machine (VK) sa lungsod ng Maynila sa ilang station commander niya.

Karamihan sa mga police station commander sa Manila Police District ay tumalima naman daw sa utos ni General Nana kahit na may isyu na may ibang ‘player’ daw pala na siyang papapasukin at hahawak na ng video karera sa Maynila?!

Pero si P/Supt. LEONARDO, hepe ng Manila Police District Pandacan Police Station #10 at si P/Supt. MUARIP ng Police station 4 ay mistulang nagtengang kawali daw sa utos ni Gen. Nana?!

Ayon sa mga residente ng Pandacan, nagtataka sila kung bakit hindi pa rin matinag-tinag ang mga video karera machine ni alias TATA TALYADA sa kanilang lugar.

Magkano ‘este’ anong dahilan Kernel Leonardo??

By the way, totoo ba na ipinamamalita mo na kapitbahay mo si incoming President Rody Duterte at kalaro mo pa raw sa pusoy?

‘Yan ho kasi ang ipinagyayabang ni alias Tata Talyado sa MPD HQ, kaya ‘yun mga opisyal na gustong mapuwesto nang maganda ay dapat na raw dumikit sa kanya?

Paki-explain nga Kernel Leonardo!

Sagutin ang isyu ng Lawton Illegal Parking!

Boss Jerry,

Tama kayo sa ginagawa ninyo na huwag patulan ang mga walang kedebilidad.

Dapat ang sagutin nila ang isyu ng illegal parking sa Plaza Lawton na kinakaladkad ang Manila City Hall.

Bakit hindi kumikilos ang barangay at PCP Lawton na nakasasakop sa area ng Plaza Lawton na pugad ng illegal parking?

Tama ang sinabi ni Erap nang tanungin siya kung ano ang natutuhan niya nitong nakaraang eleksiyon, ang sabi niya… “I learned not to be trusting.”

Naramdaman daw kasi ni Erap na bina-limbing siya ng isa sa kanyang mga pinagkatiwalaan na sumasalok ng election funds mula riyan sa illegal parking sa Lawton.

At ngayon naman, kinakaladkad ang kanyang pangalan ng matandang Burikak na siyang nagrereyna sa illegal parking na ‘yan.

Kilala namin ‘yang ginagamit na ‘arkiladong manunulot’ ni Burikak. Isinusuka namin ‘yan dito sa city hall dahil sa panununog ng pera.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *