Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pilot episode ng BFY, pumalo agad sa ratings

00 fact sheet reggeeTALAGANG inabangan ang seryeng Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa pilot episode dahil maganda kaya naman noong magpadala ng resulta ng ratings game kahapon ay hindi na kami nagtaka na mataas considering na medyo late na ito.

Maging sa ibang bansa ay inabangan din pala ang BFY dahil maraming nakare-relate sa invisible red strings nina Elmo at Janella, kaaliw ha.

Nagtala ng national TV rating na 17.1%, kompara sa katapat nitong palabas na Juan Happy Love Story na nakakuha lamang ng 11%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi rin nakapagpigil ang netizens na iparamdam ang kanilang pagkasabik para sa palabas kung kaya naman nag-trend worldwide sa Twitter ang official hashtag ng teleserye na #BFYTheRedString.

Sa unang episode ng teleserye, nakilala ng mga manonood ang masayang pamilya ni Sam kasama ang kanyang mga magulang na sina Cathy (Vina Morales) at Buddy (Bernard Palanca). Ngunit napuno ng kalungkutan ang lahat sa biglaang pagpanaw ng kanilang padre de pamilya matapos nitong habulin si Marge (Ayen Munji-Laurel), ang ina ni Kevin at asawa ni Mike (Ariel Rivera), upang bawiin ang kantang Born for You na kanyang isinulat para sa asawa.

Ano nga bang kinabukasan ang naghihintay para kina Cathy at Sam? Malaman pa kaya nila ang totoong kadahilanan ng pagkamatay ni Buddy? Magkakilala na kaya sina Sam at Kevin?

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang Born for You, gabi-gabi pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …