Friday , November 15 2024

Bitay retribusyon sa krimen — Duterte

ISUSULONG ni President-elect Rodrigo Duterte ang psagbabalik ng parusang kamatayan bilang ganti o ‘retribution’ sa ginawang krimen at hindi para mabawasan ang mga kriminal.

Sa kanyang talumpati kahapon sa inagurasyon ng mga halal na opisyal sa Sarangani sa pangunguna ni Sen. Manny Pacquiao, inihayag ni Duterte ang dalawang “school of thoughts” sa isyu nang implementasyon ng bitay.

Para sa iba aniya, ang death penalty ay para mabawasan ang krimen.

Ngunit para kay Duterte, dahil nakagawa ng krimen ang isang tao kaya dapat siyang maparusahan.

Iginiit ni Duterte, dapat matuldukan ang korupsiyon, illegal drugs at kriminalidad.

Magugunitang umani ng batikos si Duterte mula sa Simbahang Katoliko at pro-life advocates kaugnay sa planong pagbabalik ng death penalty sa pamamagitan nang pagbigti para sa mga nahatulan ng karumaldumal na krimen.

Anila, walang katibayan na bumaba ang bilang ng heinous crimes dahil sa parusang kamatayan.

Matatandaan, noong 2006 ay ipinasa ng Kongreso ang batas na nagbasura sa death penalty sa pamamagitan ng lethal injection dahil sa pagkontra ng mga bansang miyembro ng European Union at Simbahang Katoliko.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *