Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loisa at Jerome, bagong loveteam ng Dreamscape

00 fact sheet reggeeBONGGA sina Jerome Ponce at Loisa Andalio dahil sila ang latest loveteam ng Dreamscape Entertainment para sa bagong episode ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush na mapapanood na sa Linggo, Hunyo 26.

Base sa set visit sa Sampaguita Gardens noong Lunes ay nakitaan kaagad sila ng entertainment press ng chemistry.

Nagkasama na pala sina Jerome at Loisa sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan pero si Joshua Garcia pa ang ka-loveteam noon ng dalagita at kuya naman niya ang una.

Pahayag ni Jerome, “hindi ko ine-expect, ibang tao ang ine-expect ko for her. Nagulat ako siyempre kasi alam naman po ng lahat na siya ay 17, ako 21.”

At ang revelation ng aktor, “noong ‘PBB’ days, may paghanga. Tapos, siyempre, alam kong nandiyan si Joshua (ka-loveteam ni Loisa), naging kulitan, friends. And hindi naman din po kasi ako ’yung parang nandoon ’yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andoon ako sa ine-enjoy ko ’yung araw-araw kong trabaho. Ito, katrabaho ko siya, ‘di eh-enjoyin ko lalo.”

Nagulat naman si Loisa kasi wala siyang idea na crush siya ng ka-loveteam, at sabay hirit ni Jerome,”‘yung sinabi sa ’yo rati ni Janella (Salvador)?”

Nabanggit na noon pa ni Janella na crush siya ni Jerome, “kay Janella ko lang inamin ’yun. Ayun, siguro at least, alam na niya ngayon, so ’yun.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …