Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerome, ine-enjoy si Loisa

ALIW na aliw ang press sa pag-amin ni Jerome Ponce na crush niya ang kanyang Wansapanataym Candy’s Crush leading lady na si Loisa Andalio.

“Actually, noong ‘PBB’ days, may paghanga (ako kay Loisa).

“’Yun sinabi sa ‘yo ni Janella (Salvador), ‘yun ‘yon. Tapos eto,  alam kong andiyan si Joshua (Garcia), naging kakulitan. And hindi naman po kasi ako na parang naroon ‘yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andoon ako sa ini-enjoy ko lang ‘yung araw-araw ko na trabaho, i-enjoy ko na rin.

“Kasi ano, nangyari kasi mayroong one time may sinasabi si Janella. May sinabi ako kay Janella, inamin ko na crush ko siya (Eloisa). Sa kanya ko lang inamin ‘yun, tapos sinasabi niya (Loisa), akala niya na may sinasabi akong masama tungkol sa kanya.

“Tapos nang sinabi ni Janella sa kanya na crush ko siya, hindi siya naniwala. Siguro at least alam na niya ngayon. Kaya ikinatuwa ko na hindi niya alam. Ngayon, alam na niya, ‘yun.”

‘Yan ang mahabang chika ni Jerome.

So, ang feeling ba niya ay made-develop siya kay Loisa now that they are taping for Candy’s Crush?

“I don’t know. Siguro depende sa oras. Hindi pa roon naka-set ang utak ko. Naka-set lang ako sa kung ano siya. Masaya ako ka-work siya and enjoy talaga ako kasi open, dahil wala kang inisip na malisya. Wala kang iniisip na parang ginagamit ko ‘yung work para dumiskarte sa kanya, na ginagamit ko ‘yung work para mapalapit sa kanya. Ito siguro ‘yung ibinibigay sa amin na chance,” say ng binata.

“Nabigla ako roon. Ikaw talaga Ponce, ha.  Kasi si Jerome lagi niya akong inaasar, ‘yung ano, parang nagti-trip lang kaya hindi ko po ini-expect na may crush siya sa akin noon,” reaction naman ni Loisa.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …