MARAMING nagulat nang malamang hindi na mapapanood ang The Voice Kids Season 3 sa ibang bansa dahil ito pala ang inaabangan ng mga nakararami.
Nakatanggap ng mensahe ang tito Bonggo Calawod namin mula sa TFC staff, “hi Bonggo! As a result of programming changes, ‘The Voice Kids Philippines Season 3’ (TVK3) will be discontinued on all TFC linear platforms effective immediately. Please check your local listings for new, exciting shows in its time slot.
“However, TVK3 continues to be available on TFC.tv, TFC IPTV and TFC mobile platforms. TFC remains committed to showcasing the best of the Filipino in its programming as it continues to be in service to the Filipino worldwide.” – TFC The Filipino Channel.”
Nag-text back ang tito naming at sinabing, “it’s not fair that you would stop airing TVK3 in TFC. We feel shortchanged as TFC subscriber.”
Dagdag pa, “this is the same statement that we are seeing flashed on our TV screens, and this does not answer our concerns. All my family in (NY, NJ, SFO and FL) are TFC subscribers. And TVK3 is one of those programs we love watching. Your mobile options are additional costs to our already costly TFC subscription.”
Sabay post ni tito Calawod at tinag kami ng, “I think I’ll consider terminating my TFC subscription.”
Oo nga naman, maraming mga kababayan nating Pinoy sa apat na sulok ng mundo ang pinanonood ang TVK3 dahil nga ang mga anak nila ay gustong-gustong sumali at tinatanong nga kami kung madaling sumali.
Isa ring inaabangan ang banter ng tatlong voice coach na sina Ms. Lea Salonga, Bamboo, Ms. Sharon Cuneta dahil aliw talaga as in.
Anyway, bukas ang pahinang ito para kay Ms. Marian De Vera na in-charge sa TFC dito sa bansa.
FACT SHEET – Reggee Bonoan