Friday , November 15 2024

Private media etsapuwera sa Duterte Inauguration

ETSAPUWERA ang private media sa inagurasyon at oath-taking ni President-elect Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Inamin kahapon ni incoming Press Secretary Martin Andanar, hindi imbitado ang Malacañang Press Corps (MPC) sa inagurasyon ni Duterte sa Rizal Hall sa Palasyo at ang media coverage ay magmumula lang sa live feed ng government-controlled PTV 4 at Radio-TV Malacanang (RTVM).

Sinabi ni Andanar, masyadong masikip ang venue kaya hindi makakayang papasukin ang Malacañang reporters sa inagurasyon ni Duterte.

“Masyadong masikip talaga ang venue sa Rizal hall kaya nagdesisyon na huwag nang papasukin ang Malacañang media sa inagurasyon ni Duterte sa June 30,” paliwanag ni Andanar sa interview ng Malacañang reporters kahapon.

Aniya, maging ang mga miyembro ng Gabinete ni President Duterte ay sinabihan na huwag nang isama ang kanilang mga asawa sa inagurasyon dahil limitado lamang sa 500 ang panauhin.

Nilinaw ni Andanar, bibigyan lamang ng espasyo ang mga private television network para sa monitoring nito habang ang Malacañang reporters ay puwedeng tutukan ang mangyayari sa loob ng Palasyo sa inagurasyon ni Duterte mula sa Press Working Area (PWA) sa New Executive Bldg. (NEB) dahil live ito sa PTV 4.

Idinagdag ng incoming PCO chief, walang intensiyon si Duterte na iwasan ang national media sa loob ng anim na taon termino bilang chief executive bagama’t nauna nang inihayag ng president-elect ang kanyang media boycott.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *