Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nurse arestado sa pangingikil ng P10-milyon sa obispo

NAGA CITY – Arestado ang isang nurse makaraan kikilan ang obispo ng lalawigan ng Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Leo Funtanares, 26-anyos.

Napag-alaman, nagtungo nitong Mayo 3, ang suspek sa opisina ng biktima na si Bishop Arturo Mandin Bastes.

Ayon sa ulat, inamin ni Funtanares sa Obispo ang relasyon niya sa isa sa mga pari sa ilalim ng hurisdiksiyon ng biktima.

Sinasabing humihingi ng tulong ang suspek upang matigil na ang relasyon nila ng pari.

Noong Mayo 13, nabigla ang obispo nang humingi sa kanya ang suspek ng P10 milyon at pinagbantaan siyang isasapubliko ang relasyon nila ng pari.

Makalipas ang halos 11 araw, bumalik muli si Funtanares at sinabing binawasan niya ang kanyang hinihingi sa obispo at ginawa na lamang itong P5 milyon.

Dahil sa pamimilit ng suspek, binigyan siya ni Bishop Bastes ng P25,000 at sinabihan na bumalik sa kanyang opisina makaraan ang dalawang linggo para sa ikalawang installment.

Ngunit agad dumulog sa mga awtoridad ang obispo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa isinagawang entrapment operation.

Nakompiska sa suspek ang isang puting sobre na naglalaman ng P25,000 cash at ang acknowledgement receipt na pirmado ni Funtanares na may petsang Hunyo 1 at Hunyo 17, 2016.

Nasa himpilan na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kasong robberry extortion na isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …